~•○ 28 Lugar ng pag-asa ○•~

2K 92 1
                                    

All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

ENJOY!!

Corra's POV

Hawak hawak ko ang pana ng liwanag. Naka upo lang ako sa silid at kasama ko si ina habang kausap niya si ama. Bumukas ang pinto at pumasok si Zorix at si Liro, pero isa pangkatawan ang kasama niya. Napa tayo naman ako nung nakita ko ang matanda sa baba ng tindahan. Naglibot ang mga mata niya at na hulog ito sa akin. Dahan dahan siyang lumapit at nagulat nung bigla siyang lumuhod sa harapan ko at yumuko.

"Prinsesa." Nagulat naman ako sa sinabi niya at napa tingin ako sa mga kasama ko.

"Tumayo ka, hindi mo kaylangang lumuhod sa harapan ko." Sabi ko at tinulongan siyang tumayo.

"Totoo nga ang sinasabi nila. Isang himala nga ang pagkabuhay mo. Pero ang mga mata mong kasing kulay ng pilak ay nagsasabing isa kang tunay na dugong bughaw." Sabi niya at napa ngiti naman ako nung hinawakan niya ang pisngi ko.

"Kaylangan na nating umalis, ilang oras nalang at pasikat na ang araw sa labas." Rinig ko kay Liro at agad naman kaming tumango.

Maingat naman kaming naglakad sa tahimik na kalsada ng bayan. Lumiko na kami sa likod ng mga gusali dahil sa tamang daan papunta sa isang bundok. Pinaliwanag ni Liro kung saan kami pupunta kanina at parang hindi maka paniwala ang mga tenga ko sa sinabi niya. Isa paring maliit na pag-asa ang dala ng balitang ito. Maliit man pero lahat naman siguro ng tagumpay ay nagsisimula sa maliit na plano.

"Isang karangalan ang maka sama ka ngayon prinsesa. Salamat at pumayag ka sa pagsama ko." Rinig ko sa matanda.

"Pasensya na pero hindi ko na kuha ang pangalan mo." Sabi ko at nginitian siya.

Biglang nag iba ang mga mata niya na naka titig sa akin at di naman nag tagal, ngumiti siya pabalik.

"Helena ang pangalan ko prinsesa."

"Pakiusap, tawagin mo akong Corra. Hindi ako sanay sa mga pormalang tawag Helena."

"Kung yan ang gusto mo Corra." Napaka gaan ng kanyang ngiti. "Alam mo bang kasing hawid mo ang ngiti ng reyna ng puting palasyo? Hinding hindi ko makakalimutan ang magandang mukha ng reyna noon."

Napa tingin naman ako sa kanya nun.

"Ang puting kaharian ay isang napaka gandang kaharian sa buong mundo. Dahil ito sa mga dugong bughaw na busilak ang puso." Biglang nagkaroon ako ng interes sa mga salita niya ngayon.

"Pano mo na kita ang mga dugong bughaw sa palasyo? Bumisita ba sila dito sa bayan?" Tanong ko.

"Isa akong taga silbi sa palasyo noon. Ang kagandahan ng kaharian ay dahil sa magandang puso ng Reynang si Esabelle. Binibigyan niya ng kulay ang buong palasyo at buong kaharian." Sabi niya na parang nakikita niya ulit ang Reyna ng puting palasyo sa isip niya.

"Na alala ko ang sinabi mo nung nasa silid pa lamang tayo, tungkol sa mga mata ko. Totoo bang kulay pilak rin ang kulay ng mga mata nila?" Tanong ko.

"Isa itong pananda bilang dugong bughaw sa palasyo. Dahil sa mga mata mo, magiging pananda rin ito sa panibagong pag-asa." Napa ngiti naman ako sa sinabi niya.

CORRA (Destined to the Dragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon