ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Napaka sarap naman ata ng higaan ko. Parang sa buong buhay ko, ito na ata ang pinaka magandang pagtulog na nagawa ko. Hindi ko ramdam ang lamig ng umaga, sa totoo niyan, nakapa sarap na init ang na raramdaman ko na nagbabalanse sa hangin ng paligid. Nag-inat inat ako pero biglang nagbago ang isip ko para bumangon. Bumalik ako sa posisyon ko kanina at napa pikit muli, pero isang hangin ang bigla kong na ramdaman sa buhok ko. At parang gumahalaw ang unan na niyayakap ko. Parang humihinga.
Minulat ko agad ang aking mga mata at isang katawan ang nakita ko agad. Ramdam ko ang kislap at nanlaki naman ang mga mata ko nun. Agad akong bumangon at tiningnan ang katawang niyayakap ko.
"Liro?" Bulong ko dahil sa gulat.
Nanlaki naman ang mga mata ko nung nakita kong wala siyang pangtaas at nakita ang napaka laki niyang katawan. Napa lunok naman ako nun at pinigilan ang laway na tumulo dahil sa nakikita ko.
Teka! Bakit siya nandito?! At kasamang matulog?! Hinalughog ko naman ang utak ko at parang isang bagyo ang pagbalik ng memorya ko.
Ang kasiyahan kagabi! Naparami ata ang nainom ko dahil sa kanya! Kasalanan niya kaya na hilo ako at naka tulog nalang agad. Planado niya talaga ito! At sigurado ako nun dahil alam na alam ko ang pag-iisip niya.
"Magandang umaga, kabiyak." Napa talon naman ako sa boses biya.
"Ugh! Liro!" Sigaw ko sa kanya. Kinuha ko ang unan na nakita ko at pinalo sa kanya. Rinig ko ang tawa niya kaya na inis ako lalo. Tumayo na ako at naglakad na sa paliguan sa silid ko. "Walang hiya talaga ang lalakeng yun!"
"Sigurado kang ayaw mo akong sumama sa loob? Kaya kong linisin ang likod mo kung gusto mo." Rinig kong sigaw niya sa likod ng pader.
"Umalis ka sa silid ko!" Sigaw ko at muli na rinig ko ang tawa niya.
Naghilamos ako dahil sa umaapaw na pula sa mga pisngi ko, nasa utak ko pa kasi ang katawan niyang nakita ko! Ugh! Nakakainis talaga!
Nag madali na akong maligo nun at nag-ayos. Naka hinga naman ako nung nakita kong wala na siya sa silid ko. Agad akong lumabas at tumungo sa lugar kung saan ako nag iinsayo. Agad kong nakita si Zorix nun at binati ako.
"Magandang umaga prinsesa Corra. At bakit naka simangot ka ngayon?" Tanong niya.
"Wag mo nalang itanong Zorix, alam mo na kung sino ang may kagagawan nito." Sagot ko sa kanya.
Tumawa naman siya nun at napa ikot naman ang mga mata ko sa kanya. Mga walang kwentang itim na nilalang. Pabor talaga lahat sa prinsipe nila.
Pumesto na ako sa parating pinipwestohan ko. Umupo ako at gayun din si Zorix sa di kalayuan sa harapan. Mahigit limang metros rin ang layo naming dalawa. Tumango siya sa akin at agad akong umayos. Huminga ako ng malalim at niramdam ang kapangyarihan ko. Dahil sa insayo ko sa mga nakaraang araw, madali ko nalang itong naipapalabas ayon sa kagustohan ko. Hindi ko alam pero habang papalapit ang tinakdang araw, parang na raramdaman ko na ang pag-iba ng liwanag ko. Parang mas lumakas ito kesa nung una at napapanatili ko ito sa matagal na oras.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...