ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Corra's POV
Dugo... puno ng dugo ang sahig na hinihigaan ko. Bakit ang raming dugo?! Bakit hindi ito tumitigil?! Ramdam ko ang kahinaan ng aking katawan at parang humihiwalay na ang kalukuwa ko dahil sa kawalan ng lakas. Agad akong naiangat sa sahig at nakita ang natatakot na mukha ng aking ama.
"Corra! Pakiusap manatili ka!" Sigaw niya at hinawakan ang mukha ko.
"Ama..." Bulong ko at agad kong na ramdaman ang dugo na lumalabas sa bibig ko.
Ramdam ko ang sakit sa buong katawan ko at ramdam ko rin ang mainit na bagay sa tiyan ko. Puno na ng takot ang puso ko nung nakita ko ang malaking sugat sa tiyan ko. Parang maisuka ko na ang puso ko dahil sa takot! Talaga bang nagdadalang tao ako?
Pumikit ako at niramdam ang nasa loob ko. At dun ko na ramdaman ang napakahina na pakiramdam sa loob ko. Oh diyos ko, tulongan niyo ako!
"Ang anak ko..." Bulong ko at hinawakan ang sugatang tiyan ko. Bumuhos na ang mga luha ko dahil ramdam ko ang kahinaan sa loob nito. Hindi ko man alam pero parang may na raramdaman akong may kumukuha ng lakas sa loob ng tiyan ko na bawat segundo, parang mas humihina ito! "Pakiusap! Tulongan niyo ako! Ang anak ko!"
Sumigaw na ako ng sumigaw dahil sa takot pero kahit ang mahigpit na kamay ni ama sa tiyan ko ay hindi kayang pigilan ang malakas na paglabas ng aking dugo. Agad akong binuhat ni ama at agad siyang tumakbo palabas ng bulwagan. Bigla nalang sumabog ang buong bulwagan dahil sa dalawang dragon na naglalaban sa loob nito.
Ginamit naman ni ama ang bilis niya para habulin ang mabilis na paghulog ng mga bagay sa taas. Magkabilang gilid naman namin ang mga puting sundalo kanina at pinoprotektahan ako gamit ng mga yelo na harang nila sa taas.
Parang ramdam ko lang ang bawat impyerno sa buong katawan ko ngayon at parang ramdam ko na rin ang kawalan ng dugo. Mahigpit kong hinawakan ang tiyan ko at muli, ramdam ko ang mahinang pakiramdam sa loob nito.
Oh diyos ko! Tulongan niyo po ako ngayon!
Agad akong hiniga ni ama sa lupa at sumisigaw na siya ng tulong dahil parang hindi na tumitigil ang dugo na lumalabas sa akin ngayon. Nakikita ko ang napakagulong lugar sa paligid, may mga gusaling na susunog at mga bahay na nawasak. At marami rin akong mga nakikitang mga taong tumatakbo. Isang panibagong katawan ang biglang na punta sa harapan ko, isang itim na nilalang na may dala dalang mga kagamitan.
"Sagipin mo ang prinsesa!" Tarantang sabi ni ama sa itim na nilalang na lumapit.
Agad siyang kumilos dahil sa utos ni ama. Isang tela ang dahan dahan niyang binalot sa tiyan ko pero parang lumalabo na ang paningin ko dahil sa lakas na nawawala sa akin.
"Wag kang bumitiw, Corra!" Rinig kong sigaw ni ama.
Humihina na ang puso ko at ramdam na ramdam ko ang bawat tibok nito sa loob ko. Humihina na rin ang paghinga ko kasabay sa mga hamog na nakikita ko sa harapan. Nagiging manhid na ang tenga ko at hindi ko na naririnig ang magulong paligid. Ramdam ko ang sakit sa puso ko, sakit na ngayon ko lang na ramdaman. Hindi ko naman na pigilan ang sarili kong mapaluha dahil sa takot na raramdaman ko ngayon.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...