~•○ 15 Lihim na pinto ○•~

2.8K 117 4
                                    

All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

ENJOY!!

"Masama nga ang kutob ko sa lalakeng to, mabuting binura ko siya noon sa mundong ito nung may pagkakataon ako." Sinamaan ko naman ng tingin si Liro nun.

"Salamat at nakita ka ng kasamahan ko Prinsesa Corra, hindi parin ako tapos sa kahilingan ko noon." Salita ng lalake kanina. "Tsk tsk tsk! Saan na ba ang aking galang, ako nga pala si Kriss, ang kaliwang kamay ng pinuno ng mga Hunters."

"Anong kaylangan mo mortal?" Tanong ni Liro at ramdam ko ang paghigpit ng kamay niya sa balikat ko.

"Kaylangan ko ang kabiyak mo dragon, utos ng aking pinuno na ihatid ang Prinsesang si Corra sa kanya." Kriss.

"At ano naman ang nakain mo para isiping sasama ang kabiyak ko sayo?" Liro.

Bigla siyang ngumiti at pansin ko ang pagdilim ng mga mata niya sa akin. Hinila ako bigla ni Liro nun at tinulak sa likod niya. Biglang uminit ang paligid at agad kong na laman ang dahilan nito. Agad kong hinawakan ang kamay ni Liro at hinigpitan ito.

"Alam ko ang mga tingin na ito. Napaka dilim ng mga iniisip niya, kaylangan siyang mamatay!" Galit na sabi ni Liro at agad naman akong pumunta sa harapan niya.

"Huminahon ka muna Liro." Hinawakan ko ang dibdib niya at dahan dahang humarap sa lalakeng si Kriss. "Ginugulo niyo kami sa aming misyon. Isa parin siyang dragon at napaka liit lang ninyo ngayon. Kung alam niyo ang aking ibig sabihin. Pakiusap, hayaan mo na kami."

"Corra.. Corra.. Corra... May tama ka nga sa bagay na yan. Pero hindi mo pa ako pinapatapos sa kahilingan ng aming pinuno. Kilala ka niya Corra at alam niya ang ninanais ng puso mo. Maihahatid niya ang kagustohan mo kung ikaw ay sasama at makita siya.'' Salita niya at agad namang kumilos si Liro nun. Pero bigla siyang huminto dahil sa bagay na pinakita ni Kriss. "Kilala niyo ba ang may-ari nito?"

Isang kwintas ang pinakita niya, kwintas na nakita ko sa kalansay kagabi. Pero, naging abo ito sa mga kamay ni Liro. Na tatandaan ko pa ito.

"Kayo ba ang may kagagawan ng pagkamatay ng matanda?!" Sigaw ni Liro. Parang hindi na mapipigilan ang pagpalit anyo niya sa sitwasyong ito! Masama parin ang kutob ko kapaggagawin niya ito. Isa paring palaisipan ang pagpunta nila dito at nagdala ng tatlong hunters lang, may tinatago sila at sigurado ako dun.

"Liro.." Pumunta ako sa harapan niya nun at pinaharap sa akin. Nagsisimula ng maging kulay pula ang mga mata niya at hindi na maganda ito. "Sinusubukan niya ang galit mo Liro kaya pakiusap, huminahon ka."

"Tama si Corra. Nakapagtataka parin ang dahilan ng pagdating nila at ang lakas ng loob nila para magdala ng tatlong hunters para iharap sa isang dragon. Alam ng lahat kung pano ka dumi maglaro ng mga mortal na yan pagdating sa mga kauri natin." Salita ni Zorix. Lumuwang naman ng dahan dahan ang kamay ni Liro nun at di naman nagtagal, bumalik na sa date ang mga mata niya.

Huminga naman ako ng malalim nun.

"Patawarin mo ako kung tataposin ko man ang buhay ng mga mortal na ito kung may kinalaman sila sa pagkamatay ng matanda. Ito parin ang dahilan ng misyong ito, ang pag-asang masagutan ang lahat ay binura lang ng mga walang kwentang mortal na ito." Galit niyang sinabi at tiningnan ng masama ang lalakeng si Kriss.

"Isa lang ang dapat nating gawin para malaman ang bagay na yan.." Napatingin naman si Liro nun sa akin. "At yun ay tanggapin ang alok niya."

CORRA (Destined to the Dragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon