~•○ 12 Tanong ng puso ○•~

3.1K 131 8
                                    

ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

ENJOY!!

LIRO'S POV

"Alam mo bang hindi makakatulong ang pagkuha ng buhay ng isang yan? Hindi parin niya kasalanan ang ngyari kay Corra." Rinig ko kay Zorix.

"Kung nagpahuli lang siya ng mas maaga, na abutan ko pa ang ngyari sa aking kabiyak!" Sabi ko sabay suntok sa lalakeng nasa harapan ko.

Bago pa ang ngyari kay Corra ang dahilan ng pag alis namin sa kweba ay hanapin ang nag mamasid sa amin. Na aamoy ko nun sa hangin na may isang mortal na nagmamasid sa amin sa kweba. Nasa utak ko nun ay isa sa mga hunter sa kagubatan pero isang walang kwentang mortal lang pala! Napaka bilis niyang tumakbo kaya napalayo ang inabot namin. Sa oras na nahuli ko siya, agad kong pinatulog siya sa kamao ko hanggang na rinig ko ang sigaw ni Corra.

"T-tama n-na.." Sabi ng mortal.

Susuntukin ko nanaman sana siya ng napansin ko sa gilid ng paningin ko ang paggalaw ni Corra. Tiningnan ko ng masama ang mortal bago ko siya tinulak sa lupa. Agad naman akong pumunta kay Corra nun at hinawakan ang mukha niya. Magdadalawang araw na, at salamat naman at gumagalaw na siya. Tanging hininga lang niya ang nagpapakalma sa akin para hindi magwala sa lugar na ito at para tandaang buhay pa ang kabiyak ko.

"Hmmmmm..." Rinig ko kay Corra.

Dahan dahan ng gumagalaw ang mga mata niya at parang hindi ko na ma pigilan ang ngiti sa mga labi ko. Sa wakas!

Di naman nagtagal, nakita ko na ang kanyang magagandang pilak na mga mata.

"Liro?" Napa buntong hininga naman ako nun. Niyakap ko siya at agad na huminga ng malalim sa leeg niya. "Anong ngyari?"

Tinulongan ko siyang umupo at napa hibik siya sa sakit ng leeg niya. Agad ko namang tiningnan ang mortal sa di kalayuan at nagbigay ng minsaheng magbabayad siya pagkatapos nito. Na basa ata niya kaya napa lingo lingo siya sa tingin ko at tumago sa likod ng malaking bato.

"Aray! Ano ba ang ngyari at napakasakit ng leeg ko?" Naglibot ang mga mata niya at may nakitang bagay na nasunog. Nanlaki naman ang mga mata niya at parang bumalik na ata sa memorya niya ang ngyari.

"Huminahon ka. Kagat lang ng ahas, pinatay ko na at ginamot na ni Zorix ang leeg mo." Sabi ko sa kanya.

"At sino naman yan?" Tanong niya at tinuro ang lalakeng mortal kanina.

Umiling iling ang mortal at nagtago ulit sa isang malaking bato. Biglang nag-iba ang tingin ni Corra, tila na basa lang niya agad ang ngyayari. Ibang klase talaga ang babaeng to. Hinarap niya ako at sinamaan ng tingin, magsasalita na sana ako ng wala akong maisip na sabihin. Bwisit na utak to!

"Ikaw ba ang may gawa niyan?" Agad ko namang tinuro si Zorix nun na lumaki rin ang mga mata.

"W-wala akong ginawa!" Depensa ko.

"Tsk! Sinungaling!" Sabi niya at tinabig ang kamay ko para tumayo. "Wala ka talagang puso kahit kaylan!"

Lumapit siya sa mortal at na inis naman ako nun. Tst! Ibang klase talaga ang babaeng to! Pinarusahan ko nga ay may kasalanan ng lahat at heto siya ngayon parang wala lang lahat sa kanya at pinalalabas pa niyang ako ang may kasalanan?!

CORRA (Destined to the Dragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon