~•○ 8 Liwanag ○•~

4.1K 181 5
                                    

ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

ENJOY!!

Huminga ako ng malalim sa oras na naka apak na ako sa isla. Napaka raming tao sa paligid at malakas rin ang amoy ng lamang dagat sa lugar. Napa lingon ako kay Liro nun at napa ngiti nung naka kunot ang noo niya habang tinatakpan ang kanyang ilong. Kung ganun, sensitibo rin pala ang ilong niya kahit nasa tao siyang anyo.

Nagsiksikan ang mga tao sa unahan dahil sa maliit na intrada sa di kalayuan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagsiksikan ang mga tao sa unahan dahil sa maliit na intrada sa di kalayuan. Pero nung palapit na kami sa mga nagdadagsaang mga tao, nagtaka ako nung bigla nalang silang lumingon sa amin at nag bigay daan. Kita ko sa mga mata nila ang takot, parang naka kita lang sila ng halimaw. Pero dahil sa kaisipang nagbigay sila ng daan, nagpatuloy na akong maglakad.

"A-anong gagawin ninyo sa.... sa bayan ng Herena?" Takot na tanong ng lalakeng bantay pero parang pinipilit niyang maging normal at tumingin sa akin. Ano ba ang ngyayari sa mga tao dito?

"May hinahanap kaming tao, isang minsahe ang dala namin." Pagsisinungaling ko.

"Maaari na po kayong dumaan." Salita niya ulit na halatang na nginginig.

Ano bang problema nila. Dahil sa kalituhan, tiningnan ko si Liro nun na naka sunod lang sa likod ko, pero nanlaki ang mga mata ko nung naka kunot ang noo niya na tila tinitingnan ang mga tao para mamatay. Hinila ko siya nun palayo sa mga taong tumitingin habang na nginginig sa takot.

"Ano ka ba! Hindi pwedeng makuha natin lahat ng atensyon nila. Wag ka ngang ganyan, parang papatayin mo na sila dahil sa nakakamatay mong tingin!"

Oo alam kong hindi pa siya sanay sa pagharap sa mga tao pero hindi naman pwedeng ganito ang kauna-unahang gagawin niya. Alam kong pag-uusapan na ito sa buong lugar.

Isang napaka taas na tulay papuntang Bayan ng Herena ang sumalubong sa paningin ko at napa buntong hininga naman ako nun

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang napaka taas na tulay papuntang Bayan ng Herena ang sumalubong sa paningin ko at napa buntong hininga naman ako nun. Sobrang taas na parang na hihilo ako habang tinititigan ito. Di nalang ako nag reklamo at nag simula ng maglakad.

CORRA (Destined to the Dragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon