ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Napaka gulo, ito lang ang masasabi ko sa tinatayuan ko. Nasa taas ako ng palasyo at napaka lawak ng digmaan na nasa kaharian ko. Isa itong digmaan ng dalawang kaharaan, para maipalawak ang pangalan sa mapa ng mundo.
"Kaylangan ako ng mga sundalo ko sa labang ito, ama!" Sigaw ko at humigpit ang kamay ko sa panang hawak hawak ko.
"Ikaw parin ang prinsesa ng kahariang ito! Ikaw parin ang susunod sa pwesto ko. Ang digmaang ito ay nagsasabing ikaw ang pag-asa ng lahat. Kung ang kaharian man ay babagsak, ang kaligtasan mo at pangalan ang magpapabangon sa lahat." Hinawakan ni ama ang balikat ko at napayuko naman ako dahil sa sakit ng puso ko. "Ikaw ang magiging susi sa lahat, Elisa."
"Hindi tayo matatalo kung hahayaan mo akong lumaban para sa kaharaan! Ama, pinapangako ko. Ipapanalo ko ang labang ito. Pakiusap, payagan niyo akong lumaban." Pagmamakaawa ko.
"Patawarin mo ako anak. Ikaw parin ang pinakaimportante sa lahat. Hindi ka pwedeng mawala. Patawarin mo ako. Ito parin ang ikabubuti ng buong kaharian. Mawala na ang lahat, hindi ka lang Elisa."
Biglang bumukas ang pinto at tatlong kawal ang biglang pumasok. Tumungo sila sa akin at agad nilang hinawakan ang braso ko. Isang bakal ang bigla nilang inilagay sa ulo ko at ramdam ko ang pagkahina ko. Nagpupumiglas na ko nun pero napaka higpit ng pagkahawak nila sa kamay ko sa likod.
"Ama! Anong ginagawa mo?! Pakawalan niyo ako!" Pagpupumiglas ko. Humugot ako ng enerhiya at natakot nung hindi ko na ramdam ang kapangyarihan ko. "Anong ginawa niyo?!"
"Ihatid niyo ang prinsesa sa bundok ng mga monghe. Magiging ligtas siya doon, pagkatapos ng digmaan, babalik ka sa palasyo at isaayos ang lahat."
"Ama! Ano ba ang sinasabi ninyo?! Bitiwan niyo ako!" Sigaw ko ulit nung hinihila na nila ako palabas ng silid ni ama. "Pakawalan niyo ako!"
Napaka lakas nila na parang na wawalan ng kwenta ang pagkatao ko. Kung magagawa ko lang tanggalin ang bakal sa ulo ko ay magagamit ko ulit ang kapangyarihan at lakas ko. Ramdam ko ang mahika sa bakal sa ulo ko, tila pinapatulog ang kapangyarihan ko.
"Elisa?!" Rinig kong sigaw at nakita si ina na tumatakbo palapit sa akin. Pero bago pa siya makalapit, hinarangan na siya ng mga kawal. "Saan niyo dadalhin ang anak ko?! Umalis kayo kung ayaw niyong mamatay sa mga kamay ko!"
"Patawad mahal na reyna. Ginagawa lang namin ang utos ng hari." Yuko ng mga kawal sa ina ko.
"Ina! Pakiusap sabihan niyo sila na pakawalan nila ako! Kaylangan kong lumaban sa digmaan! Kaylangan kong depensahan ang kaharian!" Sigaw ko pero mabilis nila akong inilabas ng palasyo.
Rinig ko na ang pagsabog sa labas ng palasyo at alam na alam ko na dahil ito sa mga kalaban naming palapit na sa palasyo.
Buong buhay ko ay hinahanda ko ang sarili ko para sa digmaang magaganap. Isa mang mapayapang kaharian ang kaharian ko, hindi parin imposible ang dugo ng digmaan lalo na't uhaw sa kayamanan ang ibang kaharian. Nag-insayo ako at pinag-aralan ang kapangyarihan ko para maging depensa sa kaharian ko. Pero ang takot ng aking ama at napaka liit na pananaw ay ang nagpapaduwag sa kanya. Lalo na't ako lang ang anak niya. Ibig sabihin, ako ang susunod sa kanyang pwesto at maging reyna balang araw sa kahariang ito. Kung ma wawala man ako, maibubura na ng kaharian ang mga dugong bughaw at gagamitin naman ito ng kabilang kaharian para pagkakataong umupo sa trono ng aking kaharian. Alam kong gusto lang niya akong maging ligtas, pero ang lakas at kakayahan ko ay makakatulong sa panalo ng labang ito.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...