ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Liro's POV
Napakabigat na ng hininga ko dahil sa galit. Magdadalawang oras na nung na wawala si Corra. Dahil sa ngyari sa prinsesa Eriedelle, naging abala ang lahat para punan ang lahat ng kaylangan niya. Dahil sa isang pakiramdam, dun ko na lamang na wawala si Corra sa palasyo. Hinanap ko na siya kahit saan at nagkalat na ang mga puting kawal sa buong kaharian para hanapin lang siya. Pero wala! Pumunta ako sa silid niya pero nalaman kong nawawala ang mga sandata niya at kanyang armadong suot. Sa sobrang takot ko at galit, na wasak ko ata ang buong silid nung pumasok na sa utak ko kung saan siya ngayon.
Bakit niya gagawin yun?! Hindi siya nag-iisip! Pinapahamak niya ang kanyang sarili!
"Bakit pa ba tayo naghihintay?!" Sigaw ko kay Gail.
"Dahil isang bagay ang nakuha para maging sandata mo para sa labang ito. Hindi parin pwedeng lulusob nalang tayo na wala man lang tayong mga bala para sa itim na hari. Naghahanda na rin ang buong kaharian, Liro. Kaya huminahon ka, kagustohan ko ring sagipin ang anak ko." Sagot niya.
Biglang bumukas ang malaking pinto sa bulwagan at agad na pumasok si Zorix na may kasamang dalawang kawal. Pansin ko ang malaking kahon na dala dala nila at di naman nagtagal, agad silang yumuko sa harapan ko.
"Prinsipe Liro, nakuha namin ito sa bulkan ng Elor. Isa mang dilikadong paglalakbay ito pero isang napakalaking tulong ito para sa digmaang ito." Sabi ni Zorix. Binuksan na nila ang kahon sa harapan at agad naman akong napalapit dahil sa nakikita ko.
Hindi ako makapaniwala! Ang spada ng bulkan! Nagtagumpay sila sa pagkuha ng mahiwagang spada. Ang spadang ito ay pag-aari ng ama ni ina. Minana rin niya ito sa kanyang ama na naging magiting rin na hari sa kahariang itim. Bawat dugong bughaw ang magtataglay ng totoong kapangyarian nito. Tinago parin ito ni ama dahil hindi siya pinili ng spada. Dahil kung hahawakan ito ng ordinaryong kamay ay magiging ordinaryong spada lang rin ito. Ang kapangyarihan ng spadang ito ay kasing hiwaga rin ng pana na pag-aari ngayon ni Corra. Sa bawat kaharian sa mundong ito ay may apat na mahiwagang sandata ang biniyaya ng kalangitan.
Dahan dahan akong lumapit sa spada at hinawakan ito. Ramdam ko ang kapangyarihan nito at ramdam ko rin ang mabilis na daloy ng aking dugo. Hindi ako maka paniwala, nasa mga kamay ko na ang spada ng bulkan!
"Agad kang pinili ng spada." Rinig ko si Zorix at hinigpitan ko naman ang pagkahawak ko sa hawakan nito.
"Manatili ka kabiyak, isasagip kita."
~•○●□●○•~
Corra's POV
Sinasakop na ako ng takot ngayon, lalo na't patalim lang ang hawak-hawak ko ngayon para labanan ang dalawang demonyo sa harapan. Pinagsisihan ko naman na tinapon ko sa dereksyon ng matanda ang spada ko. Napakainit na ngayon ng mga mata ng hari sa akin, at pansin ko ulit ang kakaibang ngiti sa mukha niya.
Hindi ko inaasahan ang kapangyarihan ng hari at muntik na akong matamaan ng kanyang napakalakas na apoy. Pero dahil sa mabilis kong puso, agad na gumalaw ang katawan ko at tumalon para ilagan ito. Agad kong na ramdaman ang matigas na sahig at nanlaki naman ang mga mata ko nung bigla nalang niyang hinila ang paa ko.
Sumigaw ako dahil nasa harapan ko na siya ngayon. Napaka lakas niya at sa isang mabilis na galaw, na gawa niya akong hilahin pataas. Hindi ko na ramdam ang mga paa ko sa sahig at pinagsisipa ko na siya ngayon pero parang wala lang sa kanya ang lakas ko. Puno na ng takot ang puso ko ngayon, hindi ko kaya ang lakas niya!
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...