~•○ 27 Alok ng tapat ○•~

2.1K 106 5
                                    

All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.

ENJOY!!

Naka tingin lang siya sa amin. At pansin ko ang kakaibang ngiti niya na nagsasabing isang masamang bagay ang nasa isip niya. Dahan dahang hinila ni Liro ang palasong tumama sa balikat niya at kasing higpit na ata ng tali ang pagkahawak ko sa kamay niya.

"Nagkita tayo muli kapatid, masaya akong malaman na buhay ka pa." Sabi niya. "Isa itong magandang balita sa buong kaharian, lalong lalo na kay ama."

Naglakad siya palapit sa amin at agad namang naghanda si Liro nun. Ramdam ko na ang pag-init ng katawan niya at may nakikita na rin aking mga kaliskis ng dragon sa leeg niya. Pero habang ginagawa niya ito, napa hawak ako sa leeg ko dahil ramdam ko ang pag-init nito. Parang kasing init ito ng mga kamay ni Liro ngayon.

"Huminahon ka kapatid, hindi away ang pinunta ko dito. Nandito ako para salubungin ka sa iyong pagbabalik. Isa paring madilim na pangyayari ang iniwan natin sa isat isa noon, pero sa mga lumipas na mga taon alam kong wala na ito kasama sa hangin." Salita ulit ng lalake. "Balitang balita sa buong kahariang ito ang pagbabalik ng prinsesa. Kasama mo ba siya ngayon kapatid?"

Agad naman akong tinulak ni Liro sa likod niya. Ramdam ko na ang nagwawalang tibok ng puso ko ngayon. Kaharap parin namin ang lalakeng dahilan ng lahat. Siya parin ang dahilan ng pagkawala ng prinsesang si Elisa. At siya rin ang dahilan kung bakit hindi nanalo si Liro sa digmaan noon.

"Kung hindi ako nagkakamali, ang babaeng ito ang prinsesang usap usapan ng lahat. Rinig ko rin na ang puting prinsesa ay ang kabiyak mo kapatid. Siguradong sabik ka na sa magiging buhay ninyong dalawa kung kayo ay magtatagumpay." Biglang umangil si Liro na parang isang halimaw. Dahil sa mahigpit niyang kamao, alam kong nasa dulo na ng kanyang balat ang galit ngayon. Agad ko namang hinawakan ang braso niya para huminahon. Hindi parin maganda ang magiging kataposan nitong lahat kung magpapadala siya sa galit. "Isa parin siyang puting nilalang at sa pagkakaalam ko, ang isang dugong bughaw ay kasing ganda ng isang puting rosas."

Isang malakas na hangin ang biglang dumaan at bigla nalang na tanggal ang kapa sa ulo ko. Agad kong na dakip ang mga mata ng lalake sa harapan at bigla nalang lumaki ang kanyang ngiti. Hindi ko alam pero biglang nagdilim ang kanyang paningin sa akin na nagsanhi ng galit kay Liro. Hinila ko siya ulit palapit sa akin pero napaka lakas niya!

"Gusto ka niyang kunin sa akin! Magbabayad siya!" At sa mga salitang yun, bigla nalang umatake si Liro sa kanyang kapatid.

Hindi man nagpalit anyo si Liro pero ang kalahating pagpalit niya ngayon ay nakakatakot lang. Pula na ang kanyang mga mata ngayon at kasing bilis rin siya ng isang mabangis na halimaw.

Hindi ko masukat sukat ang takot ko ngayon dahil sa laban nila na parang wala ng kataposan. Bawat oras na nasasaktan si Liro ay parang tumatalon lang ang puso ko. Dapat ko siyang tulongan! Pero pano?

Biglang bumalik ang isip ko sa reyaledad at agad na pumasok sa utak ko ang pana sa templo. Tumakbo na ako sa templo at ang tanging ilaw lang nito ay ang mahinang apoy sa apat na sulok ng templo. Pero isang malaking butas ang nasa taas at nagbibigay liwanag sa gitna ng templong ito. Isang malaking bato ang nagkuha ng atensyon ko, isang bato na sa palagay ko limang tao ang sukat nito. Nagmadali akong maglibot sa malaking bato pero dinala lang ako nito sa pwesto ko kanina.

Hindi ko maintindihan! Sabi ng mapa ay nandito ang mahiwagang pana ng liwanag. Kaparehong templo rin ito sa panaginip ko! Pero bakit isang malaking bato lang ang nakikita ko?!

CORRA (Destined to the Dragon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon