ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Nasa isang malawak kaming lugar ngayon. Buhay na buhay na ang asul na buwan sa taas at parang naging karagatan ang buong lugar dahil sa asul nitong kulay. May mga kandilang naka palibot sa akin at ang asul na kapangyarihan ni Dreg ang nagpapanatili sa akin sa pwesto ko. Kanina pa ako sumisigaw para makuha ko ang atensyon nila, parang nagkakaroon kasi ng ritwal dahil sa mga dasal ni Dreg ngayon.
Ano na ba ang ngyayari? Mag-iilang oras na at bakit hindi pa ako na hahanap nila Liro? Puno na ng takot ang puso ko ngayon at habang tumatagal parang na gugulay na ang mga paa ko at mahihimatay na.
"Liro!" Sigaw ko ulit. Parang isang daang tawag ko na ito sa pangalan niya.
"Tumahimik ka!" Sigaw rin ng babaeng si Zira, ang nagdukot sa akin kanina. Oo nalaman ko ang pangalan niya at dahil ito sa pagtawag ni Dreg sa kanya kanina. "Wala ngang makakarinig sayo dito!"
"Pakiusap, wag ninyong gawin ito!" Pagmamakaawa ko.
"Ayun nga sa sinabi ko prinsesa, kaylangan ka namin ng buhay." Sabi niya ulit.
Napa tingin ako bigla sa taas at nakita ang mga bitwin sa kalangitan. Nagsisimula na ang pag-ulan ng mga bitwin. Kung wala lang ang pagtaksil ng dalawang ito, siguradong nagagawa ko na ng maayos ang puting liwanag.
"Pakiusap! Hindi pa ba sapat ang mga sinabi ko? Pakiusap, kakalimutan ko ang pangyayaring ito, ibalik niyo lang ako sa kampo ng ama ko."
"Hindi mo ba nakikita, prinsesa? Walang tunay sa mga nilalang sa lugar na yun. Hindi mo siya ama at lalong hindi mo tao ang mga nilalang na naka yuko para sa pangalan mo." Sabi niya sa mukha ko at sinampal.
Pinigilan ko na ang luha sa mga mata ko. Hindi pwedeng matakot ako sa mga mata nila. Kaylangan ko ng plano para maka takas. Hinalughog ko naman ang isip ko at naglunsaran ito sa puting patalim na nasa sinturon ng babaeng ito. Wala na akong ibang maisip na sandata para panlaban sa kanila.
Kinulekta ko na ang lakas ko at tinuon lahat ito sa kamay ko para maka wala sa asul na kapangyarihan ni Dreg. Ramdam ko ang empyerno dahil sa mala apoy na dulot nito pero hindi ito ang nagpatigil sa akin para gawin ang plano ko. At ilang minutong pagkontra sa asul na mahika, agad kong hinablot ang patalim sa oras na nakita ko ang pagkakataon.
Ramdam ko ang sakit na dinulot ng hawakan nito at parang na nginginig na ang kamay ko sa kawalan ng lakas. Pero na alala ko ang sinabi ng babaeng si Zira. Kaylangan kong labana ang sakit para maamo ang kapangyarihan nito. Pero mas mabilis parin ang kamay niya. Kinuha niya ito sa mga kamay ko at tinusok ito sa binti ko.
Sumigaw ako ng sumigaw dahil sa sakit at parang na wala lang bigla ang kaluluwa ko. Napa luhod ako bigla at kita ko ang pagnginig ng mga kamay ko.
"Wag mong ubusin ang lakas niya! Kaylangan parin natin ang lahat ng yun para sa lagusan ng liwanag!" Sigaw ng matanda kay Zira.
"Magbabayad ka sa ginawa mo." Bulong ko dahil sa galit. Napaka wala nilang hiya! Isa paring pag-asa ang inalay ko sa kanila at wala pangkapalit ito sa sakripisyo ko. Humigpit naman ang kamao ko dahil dun at ramdam ko na ang galit na namumuo sa akin.
Ramdam ko ang kakaibang kapangyarihan sa katawan ko ngayon at sumasabay ito sa malakas na liwanag ng buwan sa itaas. Rinig ko ulit ang mga dasal ni Dreg at dahil dun, parang isang pagpukaw ang ngyari. Naging aktibo ang bawat dugo ko sa katawan, at ramdam ko na ang liwanag na nagmamakaawang makalabas sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...