ⓒ All rights reserved for Corra (Destined to the Dragon). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
ENJOY!!
Isang ibon ang narinig ko at nagpawala sa antok ko. May nakikita na akong araw na sumisilip sa bintana ng silid at napa inat naman ako para ma tanggal ang lahat ng antok sa katawan ko. Pero may kakaiba akong na ramdaman, bakit parang ramdam ko lang ang lamig ng paligid?
Nanlaki naman ang mga mata ko nung nakita ko ang kumot na naka balot sa katawan ko! Parang isang bagyo ang pumasok sa utak ko para ibalik ako sa ngyari kagabi.
Ohh diyos ko!
Biglang uminit ang mukha ko dahil sa iniisip ko. Hindi matanggal tanggal ang mukha niya sa isip ko! Ang bawat galaw at halik ay parang nagbibigay ulit ng init sa katawan ko! Agad ko namang hinila ang kumot at tumakbo na sa paliguan. Pansin ko rin na wala siya sa silid at na bawasan naman ang takot sa puso ko. May mukha pa ba akong maihaharap sa kanya?! Ugh! Nakakainis naman oh!
Hinilamos ko nalang ang na mumula kong mukha at nagdesisyong maligo. Agad akong lumabas nung tapos na akong magbihis at parang tumalon lang ang puso ko sa oras na nakita ko si ina na naka upo sa higaan. Kita ko ang naka taas niyang kilay at naka tingin sa higaan.
⊙_⊙ Parang ma huhulog na ang mga mata ko nung na pansin ko ang nasunog na mga tela sa higaan. Teka ngayon ko lang to na pansin ahh. Bumalik ulit ang mga ngyari kagabi at parang tumubo ulit ang bulkan sa mukha ko.
"Anong ngyari dito?" Tanong ni ina at napa lunok naman ako dahil dun.
"Uhmm.. uhmm.. kasi.. uhmm. Si Liro.. naglalaro ng apoy kagabi, kaya na sunog." Na uutal kong sagot at napa lunok ako ulit nung tinaasan niya ako ng kilay.
"Teka, anong ngyari sa leeg mo?" Bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang leeg ko. Ang kakaibang mukha ni ina ang nagtulak sa akin para tingnan rin ito sa salamin.
⊙_⊙ !! Ano to!?
Parang may isang marka na hindi pamilyar sa mga mata ko at nakikita ko rin ang dalawang sugat sa magkabilang gilid ng marka. Isa lang ang pumasok sa isip ko at yun ang sinasabing marka ni Liro sa akin. Ito ba ang kalabasan ng kanyang kagat?
Hinila ako bigla ni ina palabas ng silid at tumungo kami sa kainan sa baba. Napaka raming tao at pansin kong puro puting buhok ang nakikita ko. Agad kong nakita si ama sa parehong upuan namin kagabi at kasama niya si Eros na kumakain. Teka, saan ba sila Liro?
"Gail, alam mo ba anong ngyayari sa anak mo?" Biglang sabi ni ina sa ama ko. Kita ko ang kalituhan sa mga mata niya at napa lunok naman ako nun. "Tingnan mo ang leeg niya."
Pinaupo ako ni ina at napa buntong hininga naman ako nun. Pansin ko ang mga mata ni ama na naghihintay at muli napa buntong hininga ako. Lumingon ako sa kaliwa para makita niya ang marka sa leeg ko at pansin ko ang naka taas na kilay ni ama. Bigla siyang napa inom ng alak at muli tiningnan niya ako ng kakaiba.
"Isa lang itong marka ng pagkatao niya Ayana." Sabi ni ama pero nanatili ang kakaibang tingin niya sa akin. "Kumain ka na, isang panibagong araw nanaman ang problemahin natin."
Nagsimula na akong kumain. Tumayo si ina at bumalik ulit sa taas. Pansin ko parin ang kakaibang tingin ni ama sa akin at parang pinapatay niya ako dahil sa ginawa ko.
"Ama?" Panimula ko.
"Kung ganun, minarkahan ka na niya." At para akong mabilaukan dahil sa pagkain kong hindi nainguya. Agad akong uminom ng tubig nun at napa tingin sa kanya. "Kinausap niya ako tungkol sa bagay na ito. Isa parin siyang dragon."
BINABASA MO ANG
CORRA (Destined to the Dragon)
FantasyBigla kong na ramdaman ang mainit niyang dila at na gulat nung ramdam ko ulit ang kislap. Dinilaan niya ang mga sugat sa kamay ko at binti at matapos nun, hinila niya ako palapit. Ano ba ang ginagawa ng dragong ito?? At bakit ko ba na raramdaman ang...