CHAPTER 23

69 7 0
                                    

Chapter Twenty three.

Samantha Angeles

"Good Morning, Samantha!" Pabungad ni Jhope sa akin ng makapasok ako sa loob ng bahay nila.

"Morning, Samantha." Isa-isa nilang bati sa akin.

"Good Morning!" Nakangiti ko namang pagbati pabalik sa kanila.

Sinalubong ako ni Taehyung at kinausap.

"Kumain ka na? May pagkain pa dito. Gusto mo?"

Tumanggi naman ako kaagad.

"Nako, huwag na. Kumain na ako. Salamat ha." Sabi ko at tumango naman sya.

"Gano'n? Sayang naman." -Taehyung.

"Saglit lang Samantha. Naliligo pa si Yoongi." Sabi naman ni Jin.

Ngumiti ako sa kanya at sinabing "okay lang."

Umupo na lamang ako at agad namang natapos si Suga.

"Ang tagal mo Yoongi!" Sigaw naman ni Jin.

"Tapos na nga e." Asar na sabi ni Suga.

Matapos ang lahat nang dapat ayusin ay umalis na kami.

Nagulat ako ng hawakan ako sa wrist ni Taehyung papuntang kotse nya.

Magpo-protesta na sana ako dahil naalala kong kay Jungkook ako sasabay ngayon pagpasok.

"T-taehyung.." Pero huli na't lahat at nakasakay na ako sa kotse nya.

Wala na akong nagawa kundi ang manahimik buong byahe.

~•|•~

Hindi parin ako mapakali kahit nasa room na ako ngayon at nagka-klase na.

Iniisip ko parin si Jungkook kung ano ang reaksyon nya nang hindi ako nakasabay sa kanya gaya ng napag- usapan namin.

Gusto ko mang lumingon sa dulo na kung nasaan silang Pito, ngunit pinipigilan ko parin upang hindi makahalata ang katabi kong kaklase.

Hays! Bad trip naman.

Tik tak,

Tik tak,

Tik tak,

Argh! Ang bagal ng oras!

Daldal ng daldal ang Professor namin habang ako ay nakaabang sa orasan ko na magbreak na.

At sa dalawang oras kong paghihintay.. "Okay, Class Dismissal."

Yes! Sa wakas! Salamat!

Naunang lumabas ang Bangtan at nahuli naman akong lumabas bago sila sinundan papuntang canteen.

Nahagip bigla ng mata ko si Jungkook at hindi na nag-atubiling pigilan sya sa braso.

"Jungkook, T-teka lang.."

Piniglas nya ang braso nya sa pagkakawahak ko.

"Huwag mo na akong lapitan." Mahinahong sabi nya bago lumakad na sya palayo sa akin.

Omygod.

Pinilit kong tawagin sya ngunit hindi na sya lumingon pa.

Takte, anong nangyari?

~•|•~
Vote and Comment!
=)

Seducing Jeon Jungkook (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon