CHAPTER 18

89 7 1
                                    

Chapter Eighteen.

Samantha Angeles

"Tsk, tsk! Ayan na ang sinasabi ko! Bakit kasi hindi nyo nalang bilisan ang pag-alis doon?" Sermon ako ng sermon sa Bangtan nang magkita kami sa rooftop.

Tinext nila kasi ako kaninang pagkatapos ng klase na pumunta nalang daw ako ng rooftop.

"Si Jiminie kasi e." Sinisi naman ni Jin si Jimin.

"Anong ako? Ikaw 'yong habulin dyan e." Pagsisi ni Jimin pabalik kay Jin.

"Ayan! Si Rapmon hyung, masyadong matangkad. E 'di madali nilang nakita tayo." -Jimin.

"Tama na nga. Masyado kasi kayong gwapo! Minsan nga magpabugbog kayo para magmukhang zombie naman kayo." Naiinis na sermon ko sa kanila habang chine-check ko ang mga balat nila kung okay pa ba.

Nakakahiya kasi e, napaka kinis ng mga 'to!

"Baka matakot lang sa sarili nya si Hoseok hyung." Sabi naman ni Jungkook na idinepensa naman ni Jhope.

"Shut up, JK. Baka mabatukan kita." -Jhope.

"Hayyy! Buti at wala kayong galos. Sa susunod, bilisan nyo na kung makita nyo mang dadagsain na kayo. Ikaw Jhope, masyado ka pa namang maharot!" Sermon ko na ikinatawa naman nila.

"Salamat, Samantha. Masyado ka namang nag-aalala. Ganito talaga, sanay na kami." -Taehyung.

"Pansin ko nga e. Nakatawa pa si Jhope e." Sarkastikong sabi ko.

"Bakit ako nalang palagi mong napapansin? Ayan naman si JK ah?" Nagulat naman ako sa sinabi nya.

Lumingon ako kay Jungkook na nakatingin naman sa akin.

"Hindi ka katulad ni Jungkook." Sabi ko at tumawa na naman sila.

Matapos kong magsermon ay nauna na silang pumuntang parking lot ay hinintay muna nila ako bago nila pinaandar ang kani-kanilang sasakyan.

"Pasensya pala kanina, Samantha." Panimula ni Taehyung nang makasakay na ako.

"H-ha? Okay lang 'yon. Basta sana sa susunod ay mag-iingat nalang kayo." Sagot ko naman at nakita ko naman ang pagtango nya.

Pero ito talaga e.

Sya na naman ang nagkabit ng seatbelt sa akin.

Bumilis na naman ang heartbeat ko at hindi na naman ako mapakali.

Bakit parang ang bilis magbago ng pakiramdam ko kapag kami lang ni Taehyung?

Hindi ko pa masyadong kilala sila Taehyung kaya pakisagot nga.

Nakakakilig ba talaga ang Bangtan?

"S-salamat."

"You're more than welcome." Narinig kong bulong nya nang humarap sya sa  manibela.

Bago mapaandar ni Taehyung ang sasakyan ay nagtanong naman ako.

"Taehyung?"

Lumingon naman sya sa akin.

"B-bakit?" Naiilang na tanong nya.

"Naalala mo pa ba 'yong babaeng hinawakan mo no'ng cocert nyo dito last month?"

Hala? Anong tanong 'yong tinanong ko?! Omg, Samantha!

"B-babae? Paano mo naman nalaman?"

"N-narinig ko lang,"sagot ko na kahit ang totoo e nag research ako tungkol sa kanila at nalaman ko na nagka issue pala sya doon sa babaeng hinawakan nya sa kamay no'ng nag concert sila dito last month.

"Ah, medyo naalala ko nga. Anong meron sa kanya?"  Tanong nya.

"May balak ka bang magkagusto sa isang Filipina? Don't get me wrong, Taehyung. Naiintriga lang ako."

"Uhm.. Oo naman. Hindi naman malayong mangyari 'yon, Samantha." Sagot nya.

Tumango-tango naman ako at nanahimik na.

Ini-start na nya ang engine at parang narinig ko na bumulong sya ngunit hindi ko naman masyadong maintindihan.

"Pwede rin naman sayo."

~•|•~
Vote and Comment!
=)

Seducing Jeon Jungkook (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon