Chapter Thirty four.
Samantha Angeles
Umiiyak ako habang nanginginig na nag i-scroll down para maghanap ng matatawagan.
Hindi ko alam kung bakit number ni Jungkook ang na click ko na imbis kay Taehyung.
Umiiyak parin ako nang sagutin nya ang tawag ko.
"J-jung.."
{Samantha? Anong nangyari?}
Hindi ko alam kung nag-aalala ba sya ng lagay na 'yan o ano.
{Samantha!}
H-hindi dapat si Jungkook ang tinatawagan ko...
Pero wala na ako sa katinuan ko ngayon para magsalita pa kung ano ang nangyari.
Nararamdaman kong baka naiistorbo ko si Jungkook ngayon. Kaya napagdesisyunan kong huwag nang humingi ng tulong sa kanya.
"B-baka..*sobs* naiistorbo k-kita.. S-sige.. B-bye.."
Papatayin ko na sana ang tawag ngunit nagsalita sya.
{Samantha sabihin mo kung ano bang nangyari!}
This time, feeling ko nag-aalala na sya.
Hindi ko na sya sinagot at tumakbo kaagad ako sa bahay nila.
*ding dong*
Pagkadoorbell ko palang ng isa..
"J-jungkook.."
Napayakap kaagad ako sa kanya.
Umiiyak na ako ngayon sa dibdib nya at hindi parin ako makapagsalita.
Feeling ko, tulog na ang ibang Bangtan dahil gabi na.
Hindi ko alam pero..
Nung gabing kailangan ko din ng makakausap, si Jungkook lang 'yong nandito para sa'kin.
"Samantha..."
"Ako muna ngayon please? Huwag muna si IU.." sabi ko nang maalala ang kahapon.
Flashback
"J-jungkook?" Pagtawag ko sa kanya ng makita ko kung sino ang nakatayo sa harapan namin sa restaurant na pinuntahan namin.
Matapos kasi naming mag-usap sa loob ng kotse nya ay dumiretso muna kami sa isang restaurant.
Gaya ng deal namin, titignan namin kung magwo-work out ba kami if we date each other.
Ngunit, nabigla ako na para bang estatwa sa babaeng napakagandang nakikita ko ngayon.
"IU?" Sabi nya.
"I'm here, jungkook. Aren't you going to welcome me?"
Tumayo si Jungkook para matignan ng maayos si IU.
Sya ba? SYA BA SI IU?
"Samantha. Ikukuha nalang muna kita ng Taxi." Sabi ni Jungkook.
Tunay ngang magandang babae si IU.
Hindi ko pa sya nakikita dahil hindi naman ako mahilig sa mga Koreans.
Tumayo narin ako. Well, wala naman akong pake kung mag-usap sila. I only asked Jungkook on a date pero hindi na ibig-sabihin no'n ay may gusto na ako kay Jungkook.
I'm only pretending just like what I planned.
"Mag-uusap lang kami, Samantha." Sabi nya kaya tumango naman ako.
Well, dumating na pala ang first love ni Jungkook.
End of Flashback
"A-anong kinalaman naman ni IU dito?" Tanong nya sa akin ng iangat nya ang ulo ko para matignan nya ako.
"Samantha look at me.." Utos nya.
Tinignan ko naman sya sa mga mata nya.
"Tell me what happened?" Mahinahong sabi nya.
"P-pwede mo ba a-akong samahan?" Tanong ko sa kanya.
"S-saan?"
"Si Ate Chabeng kasi. 'Yong nag-aalaga sa akin, naaksidente daw."
~•|•~
Vote and Comment!
=)

BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Rastgele•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.