Chapter Eight.
Samantha Angeles
"Saan ang Canteen?" Bulong ko sa sarili ko habang palingon-lingon na naghahanap.
Gotcha! Lumiko ako sa kaliwa nitong university na ito at ayon, nakita ko na kaagad ang Canteen.
Malaki ito, so bakit hindi ko kaagad nakita?
Marami ka lang iniisip.
Napailing ako sa sariling naisip.
Agad akong nagtungo sa canteen ng may tumawag sa akin.
"W-wait lang!" Nilingon ko sa likod ko iyong nagsalita. Malalim 'yong boses.
O.O
Literal na nanlaki ang mga mata ko sa taong nakikita kog tumatakbo palapit sa akin.
"Hi! Kilala mo naman siguro ako?" Medyo nahihiya nyang sabi.
Hindi ko alam kung tama ako sa hula ko na sya si "Taehyung?"
Napangiti sya ng malawak at tumango.
Ang tangkad niya, realtalk!
Sinabayan niya ako sa paglalakad ng magtanong ako. Wala naman masama kung magtanong ako 'di ba?
Sya 'yong unang lumapit sa akin e. Hindi ako makapaniwala.
"N-nandito ka na kaagad? 'Di-di ba nandoon ka lang kanina sa room?" Argh! Nauutal kong tanong.
Medyo nakakaramdam ako ng kaba! Kakaiba kasi syang kausap.
Alam mo 'yon? Ang kinis nya kasi! Tinalo pa ako bilang babae. Plus the fact na ang tangkad nya... Ang bango pa! Ano ba 'yan.
"Hehehe. Hindi mo siguro ako napansin. Lumabas din ako kanina." Nahihiya-hiya nyang sagot.
Huhuhu, bakit ang cute nya? Para akong may kasamang manika!
Pagkapasok namin sa loob ng canteen e namangha ako. Ang laki at ang daming pagkain.
Tapos nakakapagtaka, iyong ibang balot e may design na apat na itim na bilog tapos nakalagay 'Wings'
Oo nga pala. Bakit ako magtatakha? Wings University nga pala ito.
"Ano nga palang bibilhin mo? Libre na kita."
Mabilis pa sa alas-kwatro akong umiling sa kanya.
"Nako, huwag na! Ano ka ba. Tubig lang 'to." Sabi ko na dali-dali akong kumuha ng Bottled Water.
Kinuha nya ng mabilis sa kamay ko ang Bottled Water at dumiretso na sya sa Cashier.
Luh. Mapilit din ang isang 'to!
"Oh." Sabay abot sa akin ng tubig. Tapos na kaagad?
"Bayaran ko na oh. Magkano?" Naglalabas na ako ng pera sa wallet ko pero mapilit sya at huwag na daw.
Sabay din kaming bumalik sa room ngunit nagku-kwentuhan muna kami.
"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong nya sa akin.
"Samantha Angeles." Sagot ko habang iniinspeksyon ang bote na hawak ko.
Naiilang kasi talaga ako!
"Alam ko naman na kilala mo na rin naman ako, hindi ba? Pero para fair, ako si Kim Taehyung, Or V." Sabi naman nya.
Tumango-tango ako sa sinabi nya. Tama nga. Sya nga iyong Taehyung.
"What should I call you?" Tanong ko ulit.
"Kahit ano. Bahala ka. Kung Taehyung or whatever." Nakangiti nyang sagot sa akin.
Napangiti narin ako dahil ang bait nya!
Natutuwa ako sa kanya na bukod sa mukha syang babae, bukod sa mukha syang manika, e ang bait pa nya!
Sya din ang una kong nakausap sa Pito. At hindi ko ito makakalimutan.
Nang makarating kami sa Room ay nagsimula narin ang klase.
Hindi nanaman ako mapakali! Parang hindi mawala sa isip ko ang ngumiti.
Samantha. 'Yong plano mo. Bakit nagpapakasaya ka dyan?
At naaalala ko na naman ang Plano ko. Ang tunay na sadya ko kung bakit ako malapit sa kanila ngayon.
~•|•~
Vote and Comment!
=)
BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Random•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.