Chapter Sixty Seven.
Samantha Angeles
"Hays! Bakit ba patay phone ni Jk?!" Asik ni Jhope ng ilang beses nyang tawagan si Jungkook.
"H-hindi ba kasama ni IU ngayon si Jungkook, Taehyung?" -Namjoon.
"A, oo. Tumawag si IU sa'kin kanina. Kasama daw nya ngayon." Sagot naman ni Taehyung habang naglalaro sa phone nya.
Katabi ko si Taehyung ngayon dahil magkasama nga kami ni Taehyung sa bahay kanina at sinabi ko kung, ano kaya't pumunta kami dito.
Kaya ito, nandito ako ngayon dahil nag-aalala sila kay Jungkook ngayon.
Napapakagat ako ng ibabang labi ko dahil parang hindi ko na mapigilan na kausapin si Jungkook.
Hindi na ako nag dalawang-isip pa at tumayo na ako.
"Oh? Saan ka pupunta, Samantha?" Tanong ni Jhope.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"M-may gagawin lang akong importante."
Kakausapin ko lang si Jungkook.
"Tska, susubukan kong tawagan si Jungkook." Dugtong ko pa.
Naramdaman ko ang mga tingin ni Taehyung sa akin kaya naman nginitian ko sya.
Narinig ko ang pagbulong niya sa akin.
"Sasamahan kita."
Umiling nalang ako bago ko palihim na pinisil ang kanyang kamay para ipaalam sa kanya na okay lang ako at kaya ko na ang mag-isa.
Dali-dali akong lumabas ng bahay ng Bangtan at kinuha ang susi ng kotse ko.
"ANSWER THE PHONE, JUNGKOOK!" Sigaw ko nang simulan ko ng paandarin ang sasakyan.
Tinadtad ko sya ng message at tawag.
Naiinis na ako. Gusto ko ng linawin ang lahat sa amin ni Jungkook.
Naguguluhan na ako kung ano ang sa amin at kung ano kami.
Ni-hindi sya nagreply at wala ni isang tawag.
Habang nagda-drive ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta at saan ako dadalhin ng sasakyan ko.
Bahala na, siguro kung saan na lang ako matatahimik at makakapag-isip.
Huminto ako sa may isang hindi kilala na lugar at dito, wala masyadong tao at puro puno lang ang narito.
Malamig at tahimik.
Tumayo lang ako at tumingala sa langit.
Nakakainis naman, e. Inis na inis na ako! Hindi ko alam pero naiinis ako!
Wala akong ibang ginawa kundi ang sipain ang mga bato na nasa harapan ko.
Maya-maya, nakaramdam ako ng isang yakap mula sa likuran ko.
Tumindig ang mga balahibo ko.
Tinignan ko ang mga kamay na nakapalibot sa aking bewang at doon, nakita ko ang isang pamilyar na bracelet na black.
"Jungkook.."
"Hmmm?"
Hindi ko naiwasan na huminga ng malalim. Mariin akong napapikit at dinama lang ang yakap nya pati narin ang hangin na dumadampi sa mga balat namin.
"Paano mo ako nalaman na nandito ako?" Pagtataka ko.
"Location po ng phone mo.."
Napatango-tango ako.
Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon at hindi nagtagal iniharap nya ako sa kanya.
Pinag-lock nya ang mga mata namin at narinig ko pa ang paghinga nya ng malalim bago magsalita.
"I'm sorry.."
Tapos hinawakan nya ang mga kamay ko at tumingin doon.
Ang mga malalambot na kamay, at mapuputi.. Na gusto kong damahin.
"Patawad kung.. Naging selfish ako sa mararamdaman mo. Samantha, sinubukan kong sumama kay IU kanina. Pero, ikaw yung nasa isip ko. Ano bang ginawa mo sa akin? Nakakaramdam ako ng selos kapag kasama mo si V hyung. Gusto ko, ako lang kinakikiligan mo. Gusto ko, sakin ka lang napapangiti ng palihim. Simula ng umamin ka sa'kin, nagsimula na akong maguluhan. Gusto ko lalong mas magpa-gwapo pa para ako lang ang makita mo.. Sinubukan kong ikumpara ka kay IU, pero ikaw pa rin.. Samantha--"
Hindi ko na sya pinatapos at niyakap sya.
"Ang bango mo.." Sabi ko at hinigpitan pa ang yakap ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nya.
Naramdaman ko rin ang mainit na hininga nya sa leeg ko. Napangiti ako.
"Ikaw lang yung lalaking gwapo para sakin. Yung lalaking kayang akitin ako at pangitiin ng palihim. Lalaking hot kapag sumasayaw. Lalaking nakakakilig kumanta. At lalaking gusto kong hawakan ang kamay na para bang ayaw ko ng bitawan. Akin ka lang, Jungkook. Akin ka lang, please.."
"Yes, ma'am. Sa'yo lang po ako.." Sagot nya.
Humiwalay sya sa yakap at tinignan ako sa dalawang mata ko.
Hinintay ko syang magsalita.
"At.. Sakin ka lang, Samantha Angeles."
~•|•~
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Random•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.