CHAPTER 46

79 4 0
                                    

Chapter Forty six.

Samantha Angeles

Napakunot naman ako ng noo ko at nilingon sya para malaman kung ano ba ang ikinatatawa nya.

At nang makita ko ito...

"JEON JUNGKOOK!"

Nagsimula na syang tumakbo at hinabol ko naman sya.

"Jungkook kasi!" At tuloy parin sya sa pagtakbo.

Alam nyo ba 'yong ikinatawa nya?

KUNIN NYA 'YONG PANALI NG BUHOK KO.

Pinaka ayoko pa naman sa lahat ang nakalugay ako!

"Hahaha, bleh!"

Tignan nyo! Napaka isip-bata!

"Pag nahabol lang kita.."

"Hahaha! Kaya mo?"

"Kaasar!" At binilisan ko pa ang pagtakbo ko.

Pero nang huminto sya ay doon ko sya hinawakan sa kamay para hulihin.

"Gotcha!" Sabi ko at pilit na kinukuha ang ponytail ko.

Nang makuha ko ito ay nakatingin parin sya sa akin nang nakangiti ng malawak. Ngiting bunny.

"Bakit mo naman kasi kinuha!" Sabi ko na kunwaring naasar.

Naasar naman ako ng kaunti. Kasi naman e! Ayoko ng naglulugay. Minsan lang sa buhay ko na maglugay ako.

Tinitigan nya ako sa mga mata ko kaya napatitig din ako.

Kasalukuyan kaming nasa park ngayon at natutuwa ako dahil maganda ang panahon nang yayain ako ni Jungkook lumabas.

Ito 'yong unang beses naming paglabas na dalawa.

"Mas bagay sa'yo ang nakalugay.." Sabi nya at hinawi ang buhok ko.

Bagsak ang buhok ko na mahaba. Black-haired girl ako dahil filipina ako. Compared sa kanilang mga korean.

"Nang bobola kalang e," sagot ko naman habang sinasalubong ang mga titig nya.

"Hindi nagsisinungaling ang mga mata ko. Well, para sabihin ko lang sa'yo na ikaw pa lang ang unang babaeng sinabihan kong mas maganda sya kapag nakalugay.."

Eeeee! Kilig naman ako! Ano ba Jungkook!

"Hahaha!"

Bigla na naman syang tumawa kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit ka ba tawa ng tawa dyan?!" Tanong ko na naiinis.

Bigla naman nyang pinisil ang ilong ko at pinaningkitan ng mata dahil sa pag ngiti.

"Namumula ka. Ang cute mo." Sabi nya kaya medyo nahiya naman ako.

N-namumula ba ako?!

"Hoy! Hindi ako n-namumula ah!" Sigaw ko sa kanya.

"Sus, okay lang 'yon, Samantha. Basta ako lang ang kinakikiligan mo." Sabi nya sabay kindat.

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Well sad to say na mas kinikilig ako kay Luhan ng EXO."

Mas napangiti naman ako ng sumimangot sya.

"Well sad to say na mas fan talaga ako ni IU." Sabi nya na ginaya pa ang tono ng pagsasalita ko.

Nagbago kaagad ang mood ko dahil sa sinabi nya.

"Haha. See? Mas pikon ka kaysa sa'kin." Sabi nya.

Inirapan ko sya at naglakad na palayo.

Narinig ko na tumakbo sya.

"Hahaha, Joke lang!"

At sinabayan na ako sa paglalakad.

Damn. Jeon Jungkook.


~•|•~
Vote and Comment!
=)

Seducing Jeon Jungkook (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon