CHAPTER 45

82 3 0
                                    

Chapter Forty three.

Samantha Angeles

Hindi ko maiwasan na mapangiti. Pagkatapos namin makapag-usap ni Jungkook kanina sa isang bakanteng room.

Ngayon ay nasa bahay na ako habang nagbabasa ng libro ng message si Jungkook sa akin.

'Tingin ka sa bintana mo.'

Napangiti na naman ako at ginawa ang sinabi nya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko para iwasan ang mapangiti ng malawak dahil nakatingin nga sya sa bintana nya.

'Bakit?' Reply ko sa kanya.

'Saan mo gustong lumabas?' Tanong naman nya sa akin.

Niyayaya nya ba 'ko lumabas?

~•|•~

"Pawis ka na. Halika nga punasan kita." Sabi ko habang pinapanood si Jungkook na mag push-ups dahil sabi nya, hindi daw sya sanay na hindi nag pu-push ups bago umalis.

Kaya ngayon, nasa park kami nang mag push-ups sya.

Lumuhod sya sa harapan ko para maabot ko sya dahil nakaupo ako ngayon.

Pinunasan ko sya sa mukha nya dahil sobra na ang pawis nya.

Para syang bata na inaalagaan ko pa.

Gwapong bata naman nito!

"Nakatitig lang sya sa akin habang pinupunasan sya.

Naiilang ako kaya tumitig din ako.

"Tumigil ka nga sa pagtitig," sabi ko sa kanya.

Pero imbis na tumigil ay tumitig pa sya lalo.

"Ano ba.." Suway ko.

Matapos ko syang punasan ay umupo sya sa tabi ko.

Sht. Ang bango parin nya.

"Manood ka sa guesting namin sa Japan huh? Magpe-perform din kami. Makikita mo si Jungkook do'n."
Sabi nya na tinutukoy ang sarili nya.

Sumayaw-sayaw pa sya nung DNA steps daw tapos kumanta pa.

"Opo." At natawa nalang ako.

Marami akong nalaman sa kanya habang nagke-kwentuhan kami.

Hindi pala sya mahilig magpahiram ng mga gamit kahit Bangtan pa 'yan.

Ayaw nyang may gumagamit na iba ng mga shirts nya.

'Yong mga gano'ng bagay ba, nalaman ko sa kanya.

Ang tagal din namin nag-usap, kung ano-ano.

"Hahaha! Napanood mo pala 'yon." Sabi nya habang tumatawa.

Binanggit ko kasi sa kanya 'yong isang video na Elevator Prank na kung saan pinapasok sila doon sa elevator tapos hindi nila alam na may papasok na babae sa loob din ng elevator.

Grabe nga 'yong tawa ko do'n e. No'ng aksidente kong mabuksan at mapanood sa YouTube.

Dati pa 'yon. Siguro mga ilang taon narin ang nakaalipas ng video na 'yon ngunit hindi ko parin naiwasan na banggitin sa kanya.

Ang cute kasi nya do'n. Sobrang inosente pa ang mukha nya.

Sa kalagitnaan ng pagtawa namin ay narinig ko ang pag tunog ng phone ni Jungkook.

"Sino 'yan?" Tanong ko at nang tignan nya ay nakita ko kung sino.

"IU na naman.." Bulong ko at umiwas ng tingin sa phone nya.

Hays, bakit parang naiinis na 'ko sa tuwing nalalaman ko na magkausap sila?

"Hey,"

Hindi ako lumingon sa kanya bagkus ay nanahimik lang ako sa kinauupuan namin.

"May gusto ka bang kainin muna?" Tanong nya pero hindi parin ako umiimik.

Doon sya sa IU nya!

"Samantha.."

Tuloy parin sya sa pagkuha ng atensyon ko nang tumawa sya bigla.

Teka.. Anong ikinatatawa nito?!

To be continued...


~•|•~

Vote and Comment!
=)

Seducing Jeon Jungkook (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon