Chapter Sixty four.
Samantha Angeles
"Hays, grabe. Hindi ko alam pero naeexcite akong bumalik dito sa Pilipinas. Dati naman kapag nagto-tour tayo sa iba't ibang bansa parang ayaw ko nang bumalik.." Sabi ni Jimin na tuwang-tuwa na kumakain.
Ang puti ng mga ipin e, kainis.
Hindi ko rin maiwasan na kumunot ang noo ko dahil hindi ako makakain ng maayos.
Hindi ako mapakali dahil kanina ko pa napapansin ang mga mata ni Jungkook na panay ang tingin sa akin.
Hindi ko sya katabi ngayon dahil ayaw ko syang makatabi.
Wala naman akong karapatang magalit pero hindi ko maiwasan.
Sana una palang sinabi na nya sa akin na mahal pa nya si IU.
Bigla kong naidabog ang chopsticks na hawak ko.
"Samantha?"
Agad akong napalingon sa paligid ko at naramdaman ko ang biglang pagtahimik ng paligid at halos lahat sila ay nakatingin sa akin.
"May problema ba?" Tanong naman ni Taehyung habang alalang-alala na nakatingin sa akin.
"S-sorry.. Excuse me lang," sabi ko at tumayo sa kinauupuan ko.
Alam kong magtatakha at mag-aalala ang Bangtan pero gusto ko munang pakalmahin ang utak ko.
Pumunta ako sa labas ng bahay ko para magpakalma.
Medyo pahapon na rin naman kasi at wala nang araw.
"Iniiwasan mo ba ako?"
Napalingon ako sa likod ko nang makita ko si Jungkook.
Napairap ako at hindi sya sinagot.
Narinig kong bumuntong hininga sya.
"Fine. Then what do you want exactly?"...
"Fine. Then what do you want exactly?"
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.
Anong pinaparating nya do'n?
Humarap ako sa kanya. "Anong sinabi mo?"
Lumakad sya sa harapan ko nang nakapamulsa bago ako sinagot.
"Bakit imbis na ako 'yong itext mo, si V hyung pa?"
Hindi ko inaasahan na itatanong nya 'yan. What the? This time, hindi kaagad ako nakaimik. Bakit kailangan nya pa 'yang itanong e ako nga hindi ko tinanong kung bakit sya umimik sa Celebrity crush e. Tssss
"Sya naman 'yong unang nag text. Besides, hindi ko naman pinakialaman 'yong pagsagot mo sa interview." Sabi ko at akmang aalis na ako nang hawakan nya ako sa wrist ko.
"May problema ba tayo?" Nagtatakhang tanong nya sa akin.
Hindi ko maiwasang umiwas ng tingin pero pilit parin nyang hinuhuli ang aking mga mata.
"Ano ba--"
"Fine. Natatandaan mo ba 'yong tanong sa'kin?"
Hindi ko maintindihan kung ano'ng nais nyang ipahiwatig ngayon.
"Alin? 'Yong CELEBRITY CRUSH?" Sa pagkasabi kong 'yon, talagang in-emphasize ko 'yong salitang
'Celebrity crush'
Tumalikod sya sa akin kaya naman nasa unahan ko na sya ngayon habang nakatalikod sa akin.
"Alam mo Jungkook, sana kasi una pa lang sinabi mo na sa'kin na mahal mo pa si IU, e. Well, hindi naman ako nagseselos. HINDING-HINDI."
Hindi ko na sya hinintay pang makapagsalita at umalis na ako.
Pagbalik ko sa loob ng bahay ay napansin ko na kaagad ang mukha nila na nag-aalala.
Binigyan ko lang sila ng isang pilit na ngiti bago ako nagpaalam sa kanila na kailangan ko munang makapag pahinga.
Nag paalam naman sila sa akin kaya dumiretso na ako sa taas, sa kwarto ko.
Pagkasarado ko palang ng pintuan ng kwarto ko ay nakarinig kaagad ako ng isang katok.
Huh?
"Ayokong umalis.. G-gusto pa kitang makasama.."
~•|•~
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
De Todo•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.