CHAPTER 36

63 3 0
                                    

Chapter Thirty six.

Barbara Greg

Narinig ko ang pagbukas ng pinto dito sa room ni Ate Chabeng.

"Barbara.."

At nagulat ako nang makita si Samantha.

"Samantha?"

"K-kumusta si Ate Cha?" Tanong nya ng makalapit sya kay Ate Chabeng.

Mahimbing na natutulog si Ate Cha ngayon.

"Okay na daw sya mula sa pagkakadulas nya sa C.R." paliwanag ko sa kanya.

Nagsimula na syang umiyak at lapitan si Ate Chabeng.

"Omygod, Ate Cha. I miss you.." Sabi nya sabay yakap kay Ate Chabeng.

Iniyakan nya ito dahilan para magising si Ate Chabeng.

"Samantha?"

"Ate Cha! Huhuhu, buti nagising ka.."

Niyakap naman pabalik ni Ate Chabeng si Samantha.

"Ang layo ng Manila, Samantha ah? Paano ka nakapunta dito ng ganitong oras?" Tanong ni Ate Chabeng kay Samantha.

Miski ako ay nagtatakha. Paano naman naka byahe si Samantha ng ganitong oras? Gabing-gabi na ah.

"Huwag mo nang intindihin 'yon Ate Cha. Ang mas mahalaga e nagkita tayo at okay ka na." Sabi ni Samantha.

Hindi nya sinagot ang tanong ni Ate Chabeng.

Hindi na nausisa pa ang paraan ng pagpunta ni Samantha dito ng ganitong oras dahil nag-usap na sila ng mahaba.

Niyakap ko naman si Samantha at niyakap nya rin ako.

"I missed both of you!" Sabi ni Samantha na naiiyak-iyak pa.

Wala pang isang oras si Samantha dito ay pinauwi na sya ni Ate Chabeng  dahil baka mas mapahamak pa sya kung gagabihin pa sya ng sobra sa byahe.

"Mag-iingat ka Samantha." Bilin ni Ate Chabeng kay Samantha.

Nagbeso kami sa isa't isa ni Samantha.

Gosh, Na-miss ko talaga sya.

"Bye Barbara, Bye Ate Cha. Mahal ko kayong dalawa. Dadalaw pa ulit ako sainyo." Sabi nya bago niyakap ulit kami.

Lumabas na nang tuluyan si Samantha sa room.

Pero hindi pa nakakaalis ang paningin ko sa salamin ng pintuan ng makahagip ako ng isang lalaking matangkad na kasama ni Samantha.

So hindi lang pala sya nag-iisang pumunta dito?

Ngayon ay nagsisimula na akong maghinala kay Samantha.

~•|•~
Vote and Comment!
=)

Seducing Jeon Jungkook (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon