CHAPTER 53

61 4 0
                                    

Chapter Fifty three.

Samantha Angeles

Nasa sasakyan na kaming lahat at pauwi na galing tagaytay.

Nakapag palit narin kami ng mga damit at akalain mo 'yon?

Napaka branded ng mga damit nila!

'Yong tipong simpleng T-shirt lang e mahal na!

Hindi ko tuloy maiwasan na mailang. Napaka angas nilang tignan! Para akong may kasamang mga artista.

Medyo gabi na rin kaya medyo napapa hikab pa ako.

Isama mo pa na napaka nipis ng suot ko. Isang simpleng oversized na damit lang naman.

Sa paghikab ko, nakaramdam ako ng jacket na pumapalibot na sa akin.

Tinignan ko ang naglagay pero hindi sya umimik at naglagay lang nang earphones sa tenga pagtapos nya mailagay sa balikat ko ang Jacket nya.

"Jungkook.."

"Hmm?"

"Baka nilalamig ka? Okay lang naman ako e. Sa'yo na 'to.."

"Shhh."

Imbis na sumagot sya ay pinatahimik nya lang ako.

Wow ha!

Pero kasi e. Hindi ko alam kung bakit nitong mga araw lang ay ganito na ang mga kinikilos ni Jungkook.

Hindi ko naman maiwasan na makaramdam ng totoong kilig.

Hindi ko naman ginugusto e.

Napabuntong-hininga na lamang ako at isinandal ang ulo sa bintana.

Naririnig ko sila Jimin na nakanta at dahil doon ay napapapikit tuloy ako.

Napaka ganda ng boses!

Nang ipikit ko na ang mga mata ko ay hindi ko na maiwasan ang makatulog.

Pero bago 'yon mangyari, nakareciceve naman ako ng message.

The who?

'GNSD.'

To be continued...

~•|•~
Vote and Comment!
=)

Seducing Jeon Jungkook (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon