Chapter Sixty five.
Samantha Angeles
"Ayoko pang umalis.. G-gusto pa kitang makasama.."
Nabigla ako nang pagbukas ko ay bumungad kaagad sa akin ang seryosong mukha ni Taehyung.
Nakatitig sya sa akin nang seryoso.
"A-ano--"
Hinapit ako ni Taehyung palapit sa kanya at binigyan ng isang yakap.
Naamoy ko ang kanyang pabango at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
"T-taehyung.."
"Nag-aalala ako. Hindi mo naman sinasabi kung may problema ka ba. Pero gusto ko lang malaman mo na pwede mo naman akong isali sa problema mo e. Gusto ko ring problemahin ang problema mo."
Hindi ako makaimik. Parang umurong ang dila ko at ayaw lumabas ng boses ko.
Ang lakas ng amoy nya.. Ito 'yong amoy nya na mamimiss ko rin balang-araw.
Parang nakaramdam ako ng lungkot at gusto kong umiyak.
Habang naamoy ko ang bango ni Taehyung.. Parang mas lalong sinasabi ng sarili ko na sana huwag dumating araw na mawala na sa'kin ang taong palaging nasa tabi ko kapag kailangan ko.
Kumalas ako sa pagkakayakap at tinitigan syang maigi sa mga mata nya.
Singkit at nakaka hypnotize na mga mata.
Nakatingala ako ngayon sa kanya.
Kinurot ko ang pisngi nya na hilig kong gawin at nagsalita ako.
"Isang ngiti mo lang, okay na ako. Hindi ako sanay makakita ng Manly na Taehyung. Gusto ko lang makasama 'yong Taehyung na Alien."
Nakita ko ang biglang pagsimangot nya.
"Alien.."
Bulong nya na narinig ko naman.
Oo nga pala! Ayaw nyang tinatawag syang Alien.
"Hehe, oo nga pala." Nakangiting sabi ko at hinila sya papasok ng kwarto ko.
Umupo ako sa kama ko habang sya ay nasa mini sofa ng kwarto ko.
Kinuha naman nya ang iPhone nya kaya naman kinuha ko rin ang akin.
Pagbungad pa lang sa twitter ko ay puro notif na galing sa MGA Fans ng Bangtan.
"Ang daming nagkakagusto sa'yo 'no? Wala ka bang natitipuhan niisa?" Tanong ko na hindi inaalis ang mata sa screeen ng phone ko.
'Meron'
Parang may ibinulong si Taehyung na hindi ko naman naintindihan.
"A-ano?" Tanong ko.
"H-ha?"
"Sabi ko kung meron ka bang natitipuhan ni--"
"Wala pa. Wala pa akong time sa ganyan. Maayado pa kaming busy.." Sagot naman nya na ikinatigil ko.
Wala pa? So kung gano'n wala pa syang balak?
Bakit parang nalungkot ako.
Hays! Ano ba 'to.
Habang nagamit ako ng iPhone ko ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa mga messages ko.
Walang message mula kay Jungkook.
Wala.
Wala sa sarili na napabuntong-hininga ako.
Bigla naman akong nakarinig ng pag ring ng phone.
Nakita kong naalarma si Taehyung. Siguro may tunatawag sa kanya.
"W-wait lang.. May tunatawag," sabi nya pagkatayo nya.
Nakangiti pa ako na tumango nang sinabi nya na..
"Si IU tumatawag. Wait lang ha?"
O---------kay?
~•|•~
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Random•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.