Chapter Seventy four
Samantha Angeles
*ding dong*
Paulit-ulit na tunog ng doorbell ang naririnig ko na nagpagising sa akin.
What the? Anong oras na ba?
Inabot ko ng kanang kamay ko ang phone ko sa side table at tinignan ang oras.
7AM NA?!
*ding dong*
Muli kong narinig ang tunong ng doorbell kaya naman bumangon na ako at nagsuklay para lumabas at tignan kung sino ang panay doorbell sa pinto.
Inaantok kong tinungo ang hagdan pababa ng kwarto at pagkarating ko sa pinto, nagulat ako ng makita ang Bangtan.
Ang gu-gwapo naman nito.
"Magandang umaga po sa magandang binibini." Bungad ni Jimin na nakangiti ng malawak.
Napangiti naman ako sabay tawa.
"Umagang-umaga, Jimin! Binobola mo na ako.." Sabi ko.
"Totoo naman.."
Nakarinig ako ng bulong sa gilid nila na ako lang yata ang nakarinig kaya naman binalingan ko ito ng tingin.
Si Jungkook!!
Tinaasan ko ito ng kilay at kunwaring inirapan.
Napunta na kina Jimin ang atensyon ko sabay ngiti ulit.
"W-wait lang ha? Maliligo lang ako tapos magbibihis. Hindi ko kasi namalayan ang oras.." Nahihiya-hiya kong sabi.
Pumasok na ako sa loob at sumunod naman ang Bangtan sa pagpunta sa loob.
Sumalampak sila sa sofa ko at binuksan ang T.V.
Nice, feel at home talaga sila.
Kumuha na ako ng uniform sa cabinet ko at towel.
Nagsimula na akong maligo. Nako, kailangan ko talagang maligo ng maigi dahil Bangtan boys ang Kasama ko ano!
"MAY pupuntahan ka ba mamaya?" Tanong ni Jungkook habang naglalakad ng nakapamulsa.
Papunta na kami sa kotse nya sa may parking lot at habang ang kanang kamay nya ay pinaglalaruan ang susi ng kotse nya.
"Wala naman. Bakit?" Tanong ko naman.
"Kain tayo sa labas? Saan mo gusto?" Pag-anyaya nya sa akin.
Ewan ko pero agad akong dumipensa.
"Ayoko!"
"Huh?" -Jungkook
"A-ayoko.. Baka maraming makakita sa'yo! A-ayoko na baka mamaya.. Pagkaguluhan ka. Ayoko lang na maraming lumapit sa'yo na maraming babae at paghahalik-halikan ka. A-ayoko lang na---"
"Ingat na ingat ang bibi ko ah." Sabi nya sabay ngisi.
Hinampas ko naman sya sa braso nya.
"Aray!!"
"O, sya sige! Tara kumain sa labas. Tapos, lalapitan ka nila para magpapicture sa'yo at yakap-yakapin. Ano? Ngayon na gusto mo, e?!" Sabi ko na habang namumula sa inis.
Huminto kami sa paglalakad ng makatapat na kami sa kotse nya.
"Hahaha!"
"Anong tinatawa-tawa mo?!" Lalo pang nadagdagan ang inis ko ng makita syang tumatawa-tawa.
"Hahaha, ang cute mo magselos.." Sabi nya sabay pisil sa ilong ko.
Sinimangutan ko sya at akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ng pigilan nya ang kamay ko.
"Bakit?!"
Hindi nya ako sinagot bagkus ay ipinakita nya lang sa akin na sya ang nagbukas ng pinto.
Pigil na mapangiti kaya naman inirapan ko nalang sya at pumasok na sa loob.
Nakita ko syang tumakbo sa harapan para umikot at sumakay sa driver seat.
Pagkapasok nya dito sa loob ay hindi muna nya pinaandar ang sasakyan at halos lumuwa ang mga mata ko ng lumapit sya sa akin at nagulat ako ng magdikit ang mga mukha namin.
Hindi ako huminga at gulat na gulat akong titig na titig sa mukha ni Jungkook.
Ilang segundo pa ay naramdaman ko nalang na may gumagalaw sa may gilid ko.
"'Yan.. Okay na." Sabi nya sabay hiwalay sa akin.
Nakita ko na nakakabit na sa akin ang seatbelt.
Hindi parin ako makaimik at para akong lutang dito.
"Ready?"
"Sam?"
"Hahaha, ang cute mo, nakakainis."
Narinig kong sunod-sunod nyang sabi sa akin at tuluyan ng umandar ang kotse.
Bangtan
"Tignan nyo 'yong dalawa.." -Jhope
"Tsk, tsk. Sabi ko na, e. May kakaibang nangyayari sa dalawa." -Jimin
"Ano kaya kung gumawa tayo ng Prank para sa kanila?" -Hoseok
"Anong Prank?" -Suga
"Like, susubukan natin kung totoo nga ba ang hinala natin. Subukan natin gumawa ng Prank para sa kanilang dalawa. Subukan natin kung anong magiging reaksyon ng dalawa.." -Hoseok
"Game." -Jin
"Sige, pero make sure na safe 'yan." -RM
"Oo naman, Safe na safe."
~•|•~
Vote and Comment!

BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Random•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.