Chapter thirteen.
Samantha Angeles
"Sige mag-iingat ka." Paalam ko kay Barbara nang palabas na sya.
Diyos ko po! Kanina pa ako hindi mapakali, realtalk.
Kanina pa kasi ako nag-aabang na baka ay punatahan ako nina Taehyung dito!
At sa pagkakaalam ng Best friend ko ay galit talaga ako sa Kpop lalo na sa BTS.
Pero kung ako ang nasa kalagayan nya at bigla ko nalang makita na ka-close ko na pala KAAGAD ang Bangtan?
Baka mahimatay na ako sa hindi ko pagkapaniwala.
Totoo naman e? Ang alam ko talaga sa Kpop, Worldwide ang kasikatan ng mga 'yan.
So sino ang maniniwala na simpleng tulad ko, nakakausap na sila?
At inaamin ko rin na parang kailan lang ay hindi ko pa sila kilala.
Ngayon, parang isang ihip ng hangin, nagbago ang lahat.
Nakilala nila ako at nakilala ko rin sila.
At ano nalang kung nahuli ako ni Barbara na malapit na sa BTS?
Tatanungin ako ng tatangunin no'n. Paano ko sasabihin na plano ko lang naman gantihan si Jungkook?
Paano ko rin sasabihin na sa Wings University ako nag-aral?
Alam kasi ni Barbara ang school na 'yon.
Alam nya rin na doon nag-aaral ngayon ang Bangtan.
Ngayon ay inihahatid ko na si Barbara sa labas ng dorm ko ng makita kong napahinto sya at parang may tinatanaw sa katapat kong bahay.
Omygosh! Bahay nga pala 'yan ng Bangtan! Hindi. Hindi pwedeng malaman ni Barbara!
"Ah, Barbara. Bilisan mo ng umuwi. Baka mapahamak ka pa sa daan lalo na't pagabi na." Paalala ko sa kanya.
Tumango naman sya at tuluyan nang umalis.
Nakahinga naman ako ng maluwag at dali-daling sinilip ang Bahay ng Bangtan.
"May lumabas ba sa kanila kanina?" Bulong ko sa sarili ko dahil parang napansin ko na sinisilip ni Barbara ang bahay.
Baka kako, e nakita nya tapos magtakha pa 'yon.
Nang makasigurado ako ay inilock ko na ang pinto ng dorm ko bago ako humiga sa kama.
Omygod. Para akong ninja kakatago kay Barbara.
Narinig ko ang isang bagay na nahulog sa side table ko.
Ang Diary Plan ko.
Bumangon ako para kuhanin ito at bigla kong naalala ang mga nakasulat dito.
"Ang mga Plano ko," at inisa-isang binasa ang lahat.
Makilala ka ng Bangtan Boys.
Nakumpleto ko na ito. Kaya nilagyan ko na ng marka sa gilid.
Completed!
Mapalapit ka sa kanila at maging close sila.
Completed!
At sunod kong gagawin ang,
Akitin mo si Jungkook.
Napatitig ako dito nang may halo-halong iniisip ang pumasok sa utak ko.
Pero, out of nowhere, may biglang nag doorbell.
*ding dong*
Huh? Sino naman kaya 'yan?
"Wait lang!" Sigaw ko at itinabi na ang Diary Plan ko sa mini cabinet ko.
~•|•~
Vote and Comment!
=)
BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Random•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.