Chapter Fifty.
Samantha Angeles
"Taehyung.."
Mahirap mang aminin, mas mahirap mawalan ng kaibigan.
Nakaka Isang week na ang nakakalipas pero ito parin kami Taehyung, hindi nagpapansinan.
Hindi ko kaya ang ganito kaya mas pinili kong pansinin sya sa marami tao.
Nilingon nya ako habang nakatambay sya sa Canteen at doon na ako nag lakas ng loob na magsalita.
"T-taehyung, p-pwede ba tayo mag-usap?" Tanong ko na para bang kinakabahan pa.
Hindi kasi ako sigurado kung ire-reject nya ba ako. Pero bahala na, kung gawin man nya, at least ginawa ko 'yong kaya ko para lang makausap sya.
Walang bakas na masayang ekspresyon sa mukha ni Taehyung.
Ang kanyang singkita na mata ay parang isang yelo na nakatingin lang sa akin.
Maya-maya pa ay tumayo na sya sa kinauupuan nya at nagsimula nang maglakad.
Walang sabi-sabi ay sumunod na lan ako.
NANG makarating kami sa rooftop ay doon na ako nagsalita.
"Taehyung.. I-im sorry.. Sorry kung hindi kita pinansin no'ng oras na nilapitan mo 'ko. Naging mabait kang kaibigan sa'kin kaya humihingi ako ng tawad sa'yo. This time.. Tatanggapin ko naman kung mawala man ang label natin bilang mag best friend---"
Nagulat nalang ako nang hapitin ako ni Taehyung palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.
Ramdam ko na sobrang na-miss ko ang amoy nya.. Pati narin kung gaano sya katangkad.
"Para ka namang namamaalam na. Bakit ka humihingi ng tawad? Wala ka namang ginawang masama a. Isa pa, hindi ko kayang magalit sa'yo." Sabi nya na ikinagaan ng pakiramdam ko.
Para akong naiiyak na dahil hindi ako makapaniwala na sa kabila nang nagawa ko e hindi parin nya kayang magalit sa'kin.
Hindi ko kayang mawala ang ganitong klaseng kaibigan.
Hindi ko kayang gumawa ng dahilan para umiwas sa'kin si Taehyung.
Nang maghiwalay kami sa yakap ay nginitian ko sya.
Hindi ko alam pero gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag si Taehyung ang kasama ko.
"Thank you, Taehyung. Ano ba ang ginawa ko para magkaroon ako ng isang napaka cute at napaka maintindihing kaibigan?"
Napatawa kaming dalawa sa sinabi ko.
Nakatanaw kaming dalawa sa rooftop at ngayon ay pinaglalaruan nya ang kamay ko.
"Ang cute talaga ng kamay mo. Hahaha!"
Mala box na ngiti ang nakapinta sa mukha ni Taehyung habang pinaglalaruan ang kamay ko.
"Kasi maliit? Ganyan ka naman e. Napaka daya ng tadhana! Binigyan ka ng malalaking kamay." Sabi ko habang naka pout.
Tawa ng tawa si Taehyung habang ako ay nakasimangot.
"Shorry na." Sabi nya na parang bata.
Halos mag iilang oras na kaming magkasama ni Taehyung na para bang wala ng bukas.
I spent my day not with anyone, but with Taehyung.
To be continued...
~•|•~
Vote and Comment!
=)
BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
Random•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.