Chapter Fifty six.
Samantha Angeles
Isang panibagong araw na naman at ngayon na ang alis ng Bangtan.
Nandito ako ngayon sa bahay ko at gising ng madaling araw para puntahan ang Bangtan sa bahay nila dahil ayon sa usapan namin, didiretso ako sa bahay nila para makasama ko sila bago umalis.
Nagsuot lang ako ng oversized shirt tapos palda na binagayan ko naman ng converse shoes na high cut.
Sabi nila kahapon, gusto daw nila na Converse ang suotin ko.
Ano bang meron sa converse?!
Nag messy bun nalang din ako at ginamit ang color tan na sling bag ko na nagpasimple sa akin.
Kaunting make-up lang din para pang hindi mag mukhang panda.
For sure, siksikan mamaya sa airport. Ano pa? E 'di para abangan ang BTS.
Ngumiti muna ako sa salamin bago umalis para pumunta sa Bangtan.
Bangtan
"Hahaha! Sht, baka pagkaguluhan tayo mamaya." -Jhope.
"Haha! Si Jin hyung kasi," -Jimin.
"Ako na naman?" -Jin.
"Si Jungkook daw talaga kasi," -Suga.
"A-anong ako? Si Jin hyung 'yong pinaka heartthrob dito e." -Jungkook.
"World wide handsome. Hahaha!" -Jhope.
"Tama na 'yan. Mag-ayos na kayo." -Namjoon.
"Teka lang hyung, si Samantha pa.." -Taehyung.
*ding dong*
"Buksan mo Jimin." -Suga.
"Araso." -Jimin.
"Woah! Speaking of.." -Jhope.
"H-hi.." -Samantha.
"Hi babe.." -Jungkook.
Jung Hoseok
"Woah! Speaking of.." Sabi ko pagkabukas ni Jimin ng pinto.
Si Samantha ang bumungad at nakita ko na agad naman pinuntahan ni Jungkook.
T-teka lang.. Parang may napapansin na akong kakaiba sa kanila.
Pero sa hindi ko inaasahan, biglang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
"Hi babe.." Bulong ni Jungkook na nagpangiti kay Samantha.
"Hey, Samantha! Dala mo 'yong kotse mo?" Tanong ni Namjoon.
Pumasok na't lahat si Samantha pero hindi ko parin maiwasan na magtakha.
Flashback
"Woah! Tara na!" Sabi ko habang excited na lumabas ng kotse para pumunta sa Music studio.
Naunang bumaba si Jimin bago sumunod sila Jin hyung.
Ngunit nahagip ng mata ko si Jungkook at Samantha na hindi pa bumababa.
Nagtakha naman ako kaya hindi ko mapigilang silipin silang dalawa para sana sumabay sa paglalakad.
"Wait." Narinig kong sabi ni Samantha at nakita kong nagtakha pa si JK.
Inabot ni Samantha ang buhok ni Jungkook para ayusin.
"Yan, sobrang Gwapo na ang Jungkook ko." Sabi ni Samantha habang nakangiti.
Nabigla ako sa sinabi ni Samantha. Jungkook nya?
Nakita kong napangisi si Jungkook at inilapit nya ang mukha nya sa mukha ni Samantha.
"Palagi akong magiging Gwapo para sa'yo." Sabay ngiti ni Jungkook.
Naunang bumaba si JK bago si Samantha.
Naglakad na ako bago pa nila ako makita.
Ano'ng ibig-sabihin no'n?
End of Flashback
"Hoseok hyung, okay ka lang?" Natauhan ako ng tapikin ako sa balikat ni Taehyung.
Tumango-tango bilang pagsagot.
Tinignan ko naman sina Samantha at Jungkoook na parang iba na ang kinikilos.
Siguro naman napapraning na ako?
Nagbibigay lang siguro ako ng malisya.
"Oh, ano? Tara na!" Sigaw ko para baguhin ang mood ko.
Hindi ko muna siguro pag-iisipin masyado ang mga ganitong bagay.
May tiwala naman ako kay Jungkook na hindi muna nya uunahin ang pag-ibig bago ang Career namin.
"Hahaha! Excited ka Hoseok." Sabi ni Yoongi na inapiran pa ako.
Tumawa na lang ako bago nginitian si Samantha.
~•|•~
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Seducing Jeon Jungkook (On-Going)
De Todo•Makilala ka ng Bangtan Boys. •Mapalapit ka sa kanila at maging close sila. •Akitin mo si Jungkook. •Maging Boyfriend si Jungkook. •Matapos lahat ng plano, Break their Friend's heart. Break JUNGKOOK'S HEART.