CHAPTER 25

75 6 0
                                    

Chapter Twenty five.

Samantha Angeles

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina. Mag ga-gabi na nang gumising ako ngayon.

Sumilip ako sa bintana ko upang matanaw ko kung ano na ba ang ganapan sa bahay ng Bangtan.

Bukas ang ilaw nila at tanda iyon na mga gising pa sila.

Binalik ko ang sarili ko sa kama ko at bumuntong-hininga.

Naiinis ako. Bakit feeling ko magkakasakit pa yata ako.

Chineck ko ang iPhone ko at nakita kong 25 messages ang natanggap ko.

Totoo?

Dali-dali ko itong binuklat at nang makita ko ay puro kay Taehyung.

Samantha? Are you okay now?

Call me if you need somebody to talk.

I will be waiting.

At marami pang iba.

Nireplyan ko naman kaagad ang lahat ng ito.

Hi Taehyung. It's me, Samantha. Kakagising ko lang kaya ngayon ko lang nakita 'yong mga messages mo. But don't worry. I'm fine.

Send.

Masyadong maalalahanin si Taehyung. Ngayon ko lang ako nagkaroon ng ganitong mga kaibigan.

Bigla akong nakaramdam ng Guilt sa isip ko.

Ayoko silang madamay sa plano ko. Ayokong pati sila e masaktan sa lahat ng pwedeng mangyari sa dulo.

Alam ko naman na lahat may hangganan.

Masisisi nyo ba ako?

Hindi ko rin naman alam na ganito pala ang mangyayari.

Akala ko madali ko lang magagawa ang lahat ng plano ko dahil kahit kailan ay hindi ko sila ituturing na kaibigan.

Pero nagkamali pala ako.

Parang kasi ngayon, nagiging dependent na ako sa kanila.

Ugh! Malay ko bang mababait sila?!

*Taehyungie Calling*

"Hello?"  Panimula ko nang sagutin ko ang tawag nya.

Marahil ay nag-aalala na sya sa'kin.

{Sigurado kang okay ka lang? You want me to go there?} -Taehyung.

"Nako, Taehyung. Huwag na ano ka ba. Sumakit lang 'yong ulo ko kanina. Pero okay na naman ako. Nasaan ka?"

{Nasa bahay. Sila Hoseok hyung nagvi-video para sa Vlive.} Sagot naman nya.

"Ahh.. Bakit hindi ka sumama?"

{Part nila 'yon e. Tska isa pa, mas gusto kitang kausap.}

Bigla naman akong nakaramdam ng hiya.

"Taehyung naman.."

{Seryoso ako.}

Nanahimik ako ng ilang segundo. Nakakainis naman 'tong si Taehyung. Masyadong mabait sa'kin.

{Pero ang hindi ko lang malaman, hindi pa ngumingiti si JK mula kanina pa.}

'Yan. Si Jungkook na naman. Masyado na akong naapektuhan dyan kay Jungkook.

"B-bakit daw? Hindi mo ba natatanong?" Pagkukunwari ko.

{Ayaw naman magsabi. Pero ganyan talaga 'yan minsan. May sapak.}

Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Baliw ka talaga."

{At least cute.}

"Whew! Hahaha! Itulog mo na lang 'yan."

{Ayaw. Usap muna tayo plish?}

Minsan ba may pagka childish 'yang si Taehyung?

"Taehyung para kang bata."

{Shamantha naman e. Sheryosho ako.}

"Hindi pa ako kumakain. Mamaya nalang tayo mag-usap."

{SAMANTHAAAAA!} nagulat ako sa lakas ng boses sa kabilang linya.

Hindi ako nagkakamali at si "Jhope?" Ito.

{Yeah It's me, always me!}

Napangiti ako.

Parang palaging good mood ang dala nitong si Jhope.

{Pasensya na. Si Hoseok hyung kasi e,}
"O-okay lang."

{Nga pala. Gusto sana kitang yayain lumabas?}

"L-lumabas?"

{Yeah. Tayong dalawa lang..}

O-kaaaay? Ano na namang kalokohan 'to?

~•|•~
Vote and Comment!
=)

Seducing Jeon Jungkook (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon