[ 4 ] Kaibigan

1.9K 12 1
                                    


Ako ay isang kaibigan,
Narito ako upang patibayin ang ating samahan.
At kung daraan ka sa panahon ng kagipitan,
Ako Ang iyong kaibigan na lagi mong maasahan.

Sasamahan kita sa oras ng halakhak
At iyong makakasama sa bawat luhang papatak.
Sa oras na ang pawis mo ay tumatagaktak,
Handa akong tumulong nang may buong galak.

Pagmamahal ko sayo ay tunay
Makakasama mo ako sa pagbuo ng pangarap sa buhay.
Makakasama mo rin ako sa iyong tagumpay,
Sapagkat totoong pagmamahal ko sayo'y inaalay.

O, mahal kong kaibigan, aking pinapangako
Na hindi kita kakalimutan kahit saan man dumako;
Lagi kay alalalahanin sa bawat araw ng linggo,
O maski saan man tayo dalhin ng ating pagbabago.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon