[ 14 ] Ayoko Na

966 4 0
                                    


Ayoko makadama ng galit,
Ayoko maramdam ang pait,
Hindi mo ba kayang magpakatotoo?
Kelangan ba lagi may tinatago?

Gusto kong sumigaw na ayoko na,
Gusto ko isigaw na tama na,

Masyado mo ng sinasaktan,
Mga kamalian mo wag ng pagtakpan.

Alam ko wala kong karapatan,
Alam ko naman hindi ko siya kayang tapatan,
Pero wag mo naman masyadong ipamuka
Na hinahanap mo ko kapag siya ay wala.

Kakawala na ako sa aking nadarama,
Titigil na ako sa pagiging tanga,
Ayoko na magmahal ng ako lang mag-isa,
Pinapakawalan na ang galit,Ayoko na.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon