[ 41 ] Baliw Sa'yo

640 7 3
                                        


Dedicated to alliseoul and everyone,of course!

Hindi madali ang mag-isa
Hindi madali umibig ng iba
Bawat gabi ay laging umaasa
Na isang araw ika'y makapiling na.

Tinatawagan ka lagi sa telepono
Nasasabik na marinig ang boses mo
Maamo mong mukha laging hanap ko
Kahit pa sa oras ng trabaho.

Ngiti mo'y nagbibigay liwanag sa akin
Haplos mo'y bumubuhay sa akin
Sumpa ko'y ikaw lang ang iibigin
Kahit pa lahat hahamakin.

Saan man ako magtungo
Ano man ang ginagawa ko
Ikaw at ikaw lang ang sinisigaw ng puso ko
Baliw na baliw na ako sa'yo.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
~~~
A/N: Sheez! Pwede po bang humingi ng comments or votes? May culminating activity kami sa school eh. Thanks po! By the way, nakita niyo na siguro ang Facebook page ko noh? Ano reaksiyon niyo noong nakita niyo ang totoong mukha ko? Haha. Nagulat ba?

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon