[ 42 ] Maari ba?

527 3 1
                                    


Dedicated to sopnotsoap!

Maari bang silipin ang laman ng iyong puso?
Gusto ko lang makita kung ako pa ang laman nito,
Kung tulad pa din nung una mo akong minahal,
Kung ako pa ba ang hinihingil mo sa may kapal.

Maari ka bang yakapin ng mahigpit?
Gusto ko lang madama kung pagmamahal mo sa akin ay ganun pa kainit,
Kung pag-ibig mo ay hindi pinipilit,
Kung ako pa din ang hanap at hindi ipagpapalit.

Maari ba mahawakan ang kamay mo?
Titignan ko lang kung ako pa ang gustong hawakan nito,
Kung hindi ka bibitaw kahit ano pa ang magdaan,
Kung ako pa din ba kahit may hirap na mararanasan.

Maari mo bang sabihin na ako'y mahal mo?
Gusto ko lang marinig para sumaya ang puso ko,
Kung sa akin pa din ng buo ang iyong nararamdaman,
Kung ako pa din ba ang mamahalin mo sa magpakailanman.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
~~~
A/N: Sorry again for the infinity times one AGAIN! Nawala ako sa mood pati busy ako. AbigaleGNZLS, Sana bati na tayo. Peace!

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon