Naalala ko noon ang mga kaganapan,
Nung ika'y nasa akin at nakatayo sa'king harapan
Mga masasayang alaala nung ikaw ay kapiling
Galak ang nadama at wala ng ibang hiling.
Hawak mo ang kamay ko ng mahigpit,
Tamis ng halik mo habang nakapikit,
Mga yakap mo sakin na pinipilit,
Pag-ibig na nadarama ko ay mainit.
Mga panaginip na gustong matupad,
Mga pangako na laging hinahangad,
Matatamis na salita na itong binitawan,
Mga pangarap natin na hindi ipagpapaliban.
Sa huling pagkakataon yayakapin muli kita,
Sa huling pagkakataon tititigan ang iyong mata,
Sa huling pagkakataon sasabihin ko na mahal kita,
At ito na ang huling pagkakataon na ang mata ko ay luluha.
Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
BINABASA MO ANG
50 Tula Para Sa Pag-ibig || Completed
Şiir[#83 in Poetry] ~ Mga Tula tungkol sa Pag-ibig~ First of all, ano nga ba ang pag-ibig? Anong epekto nito sa isang tao? Nakakabaliw? Nakakasakit? Basahin ito para malaman ang mga sagot... Cover credits @aerrisn
