Dedicated to all,again! Why? I'm in a really good mood. Wag niyo ng tanungin kung bakit pero..HINDI YAN TUNGKOL SA LOVELIFE KASI WALA NAMAN TALAGA.
~~~Magaan ka sa pakiramdam
Lalo ng taong iyong dinapuan
Inuugoy sa saliw ng musika
Mga puso nila'y nahahalina.Matatamis mong pananalita
Kaibig-ibig sa iyong sinta
Nag-umpisa ka noong bata
Kasama ka hanggang pagtanda.Gamot ka rin ng taong nalulumbay
Katulad ng mga taong umiibig ng tunay
Kung dulot mo'y kagaangan
Katulad di'y kabalitunaan.Sa taong naglilihim ito'y babala
Mga pinid na pang-unawa ito'y nakakasira
Kahit na anong panahon
Walang pinagkaiba sa kahapon.Hindi ka madaling kalabanin
Lalo ng taong iyong bibihagin
Pag-ibig kang maituturing
Pasakit din sa ibang piling.Masaya man ang kwento o pare-pareho
Iisa pa rin ang dulot nito sa puso mo
Kung gaano ka kagaan sa damdamin
Ganoon din naman ang balik na pasanin.Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
~~~
A/N: Guys, kagagaling ko lang sa Tagaytay since long weekend. Wanna see? Go to my Facebook account and see! Also,be free to add me ^_^!Here is my FB name: Janna Akira Mikaela Rodriguez
Love ya guys and hope I'll see you in Facebook! Message rin kayoooo if you want. Nagrereply ako. To make it easier, Kung walang FB edi sa Wattpad account ko then message me in my message board. I promise I will reply to all WannaBees! Thanks for your support.
BINABASA MO ANG
50 Tula Para Sa Pag-ibig || Completed
Poetry[#83 in Poetry] ~ Mga Tula tungkol sa Pag-ibig~ First of all, ano nga ba ang pag-ibig? Anong epekto nito sa isang tao? Nakakabaliw? Nakakasakit? Basahin ito para malaman ang mga sagot... Cover credits @aerrisn