Balik na naman tayo sa simula,
Yung ako yung may gusto at ikaw yung kumakawala,
Yung gusto ko pa pero nababalewala,
Yung mahal mo pa siya tapos unti unti kang mawawala.
Sakit ang naramdaman sa kaibuturan,
Kaya pala kahit anong gawin ko ito'y napapagpaliban,
Kahit gaano ka abutin at hawakan,
Iba pala ang gusto mong iyo'y makamtan.
Kahit anong laban ko sa pag-ibig para sayo,
Hindi makukuha ang buo dahil sya ang mahal mo,
Gusto maging masaya,maabot ang ligaya,
Gustong makasama ka pa pero ayaw mo na pala.
Gusto kitang yakapin, gusto kita maging akin,
Pero panaginip na lang pala,gusto pa din pilitin,
Dahil habang minamahal pala kita ng sobra,
Iba ang minamahal mo, iba ang gustong makasama.
Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
BINABASA MO ANG
50 Tula Para Sa Pag-ibig || Completed
Puisi[#83 in Poetry] ~ Mga Tula tungkol sa Pag-ibig~ First of all, ano nga ba ang pag-ibig? Anong epekto nito sa isang tao? Nakakabaliw? Nakakasakit? Basahin ito para malaman ang mga sagot... Cover credits @aerrisn
