Dedicated to GooGiGoToHea!
Muli kang bumalik sa'king buhay,
Mga bagong pangako sana'y maging tunay,
Muli kang tinanggap, kinalimutan ang mga saklap,
Pakiramdam ko ay sumaya parang nasa alapaap.
Nagbibingi-bingian sa mga sabi ng iba,
Nagbubulag-bulagan sa mga nakita,
Isip ay isinara sa mga dating pagkakamali,
Puso'y binuksan dahil ikaw ang natatangi.
Natatakot na muling mawala ka sakin,
Pero bakit muli mo nanaman sinasaktan ang aking damdamin?
Akala ko ba'y nangako ng panibagong simula,
Bakit pakaramdam ko unti unti ka nanaman nawawala?
Heto nanaman muling lumuluha,
Nakaraan ay nauulit, pagmamahal mo'y kumakawala,
Pag-ibig mo ba talaga sakin ay totoo?
Saklit na ligaya lang ba,nasaan ang pagbabago?
Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
~~~
A/N: Vomments Po! Also, follow na lang (as usual) para magkaroon ng dedication. Next update will be on Friday or next week. Thanks!
BINABASA MO ANG
50 Tula Para Sa Pag-ibig || Completed
Poesía[#83 in Poetry] ~ Mga Tula tungkol sa Pag-ibig~ First of all, ano nga ba ang pag-ibig? Anong epekto nito sa isang tao? Nakakabaliw? Nakakasakit? Basahin ito para malaman ang mga sagot... Cover credits @aerrisn
