[ 18 ] Tama Na

825 5 0
                                        


Bakit pag puso na ang usapan
Nagpapakatanga kahit nasasaktan
Nagbubulag bulagan sa mga nakikita
Nagpapakamanhid sa mga nadarama.

Bakit pinipili pa din magmahal?
Umaasa na pag-ibig ay magtatagal
Kung hindi talaga siya, wag nang ipilit
Sana ganun kadali para hindi maipit.

Bakit hindi kadali ganun bumitaw?
Kahit alam mong hindi lang ikaw
Nagpapakatanga na sana piliin ka
Naghihintay ng panahon na sana kayong dalawa.

Bakit hindi makalimutan na mahal kita?
Kahit alam ko pag-ibig ay wala na
Sana isang araw pag ikaw ay muling makita
Masasabi sa sarili na "Masaya na ako. Tama na."

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

~~~
A/N: Kung gusto niyo ng dedication, comment or vote!
Bibigyan ko kayo ng tula. This dedication thing will be continued. Kaya habang hindi pa 50 ang mga tula, comment or vote na! Bilis! Haha. Hope you enjoy! Mwah!

Uso paramdam,guys ah? Comment naman dyan! Anyway, thank you sa mga nagbabasa.

In this very second, #856 in Poetry ang 50 Tula Para Sa Pag-ibig!!
Hindi imposible na mas maging suportado itong book na ito.
Thanks so much XOXO sa mga readers! I love you all! Kapag itong book na ito ay naging successful, pwede rin akong mag-reply sa mga comment niyo.

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon