Dedicated to all WannaBees!
Bawat tao ay nangangailangan
Isang kaibigan na pwede sandalan
Nakikinig sa bawat problema
Nagpapayo at marunong umunawa.
Taos puso akong nagpapasalamat
Na binigyan ako ng ganoong kaibigan
Alam ko'y ilang taon ay hindi sapat
Sa pagbuo ng ating maligayang samahan.
Mga tawanan at biruan
Sa kanila lagi ang pinagmulan
Maging kaalaman at karunungan
Na dumaloy sa aking isipan.
Tunay ka ngang kaibigang ituturing
Nararapat ka ngang gayahin
Nawa'y ang Diyos ika'y pagpalain
Gabayan sa araw-araw na gawain.
Patuloy sana tayong maging matatag
Na ni sinuma'y hindi mabubuwag
Kabutihan sana'y mamayagpag
Sa habang buhay nating pagkakaibigan.
Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
~~~
A/N: Thank you for supporting this book! Make sure to read the following notes.
BINABASA MO ANG
50 Tula Para Sa Pag-ibig || Completed
Poetry[#83 in Poetry] ~ Mga Tula tungkol sa Pag-ibig~ First of all, ano nga ba ang pag-ibig? Anong epekto nito sa isang tao? Nakakabaliw? Nakakasakit? Basahin ito para malaman ang mga sagot... Cover credits @aerrisn
