[ 15 ] Ikaw at Ako

1.4K 4 0
                                        


Bawat sandali, lagi kang nasa isip,
Kahit ang nadarama sa puso ay naninikip,
Laging ikaw, pangalan mo ang bukang bibig,
Ganito yata ang pakiramdam ng umiibig.

Sa iyong mga haplos laging nananabik,
Bawat oras gusto laging matikman ang iyong halik,
Mga yakap mo sa akin na sobrang higpit,
Hinahanap hanap at sana'y sakin lang kumapit.

Wag kang mag alala dahil sayo ako ng buo,
Ating ituloy ang mga plano na noo'y binuo,
Mahal kita, mahal mo ako pero ano nga ba tayo?
Sana isang araw lahat ng panaginip ay magkatotoo.

Walang maipapangako kundi ang mahalin ka,
Walang maibibigay kundi ang konting pag asa,
Walang dapat ikatakot dahil pag-ibig ko ay totoo,
Hanggang sa paghinto ng oras,ikaw lang at ako.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon