Dedicated to babybunnie195!
Ang isang relasyon ay binubuo ng dalawa,
Dalawang tao na mahal ang isa't isa,
Walang pwedeng humadlang sa inyong pagsasama,
Walang pwedeng gumitna sa inyong dalawa.
Bawat desisyon ay pinaguusapan,
Bawat problema sabay sinosolusyonan,
Sabay ngumingiti sa mga kaligayahan,
Magkasama umiyak sa lungkot na pinagdadaanan.
Karamay ang isa't isa sa mga tagumpay,
Kahit mabigo, nandyan at magkaagapay,
Isisigaw sa mundo ang inyong pagmamahalan,
Isisigaw sa mundo na walang iwanan.
Ang isang relasyon ay binubuo ng dalawa,
Dalawang tao na totoo sa isa't isa,
Hindi ng isang walang pakialam at isang umaasa,
Hindi ng isang nakikinabang at isang nagpapakatanga.
Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
~~~
A/N: Galing,eh noh? Nag-publish kanina..publish ulit. Kailangan ko pa ng followers my ate/kuya! Malapit na nga matapos itong book eh.
BINABASA MO ANG
50 Tula Para Sa Pag-ibig || Completed
Poetry[#83 in Poetry] ~ Mga Tula tungkol sa Pag-ibig~ First of all, ano nga ba ang pag-ibig? Anong epekto nito sa isang tao? Nakakabaliw? Nakakasakit? Basahin ito para malaman ang mga sagot... Cover credits @aerrisn
