[ 32 ] Tinalikuran

323 0 0
                                    


Dedicated to stupidlyinlove!

Simula nung tayo ay maghiwalay
Mga tao sa'king paligid di mapalagay
Maraming haka haka, Maraming katanungan
Gusto ko na matahimik at mapunta sa kawalan.

Sabi nila mukha naman akong masaya
Pero luha'y tumutulo pa rin 'pag mag-isa
Parang walang nangyari,balik lang sa dati
Pero di nila alam sakit parin ay nananatili.

"Madami pang iba,hindi siya karapat dapat"
Madalas rin marinig na ika'y di sapat
Umikot lang sa kalungkutan, di ka naging tapat
Paano ako nakatiis, bakit ko binigay lahat?

Kahit pati ako'y maraming katanungan
Kung bakit ka umalis at biglang lumisan
Pinili na lang na tumahimik at wag magsalita
Dahil tayo'y tapos na, ako'y tinalikuran mo na.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon