[ 27 ] Huling Gabi

438 3 0
                                    


Dedicated to Jendeukieyah!

Kung ito na ang huling gabi na makakasama ka,
Sabihin mo sakin na kahit paano'y naging masaya ka,
Yakapin mo ako ng mahigpit na mahigpit,
Sa sandaling oras na satin ay pinagkakait.

Sa mga mata ko ay tumingin ka,
Wag ka magalala kung ako'y luluha,
Ibig sabihin lang nito ikaw ay aking mahal,
Kahit na ang pag-iibigan ay hindi nagtagal.

Sa huling pagkakataon mukha mo ay hahaplusin,
Bawat anggulo at parte nito ay aalalanin,
Huling halik sa iyong labi aking babaunin,
At hindi lilimutan na minsa'y ika'y naging akin.

Hindi mo na kailangan humingi ng patawad,
Kahit ang sakit na dinulot mo ay walang katulad,
Di mo na kailangan magbigay ng rason,
Tama na, damdamin ko ay unti unti lang malalason.

Hindi man ako handa na ikaw ay lilisan,
Hindi man inasahan na ang satin ay wawakasan,
Kahit ngayong gabi lang pagmamahal ay iparamdam,
Bago ka umalis at tuluyang magpaalam.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

~~~

A/N: Na-GM ako dun.. Hindi ako green-minded ah! Good Man lang...Hahaha! Anyway, please vomment or follow para makagawa na ulit ako ng mga dedication. Onting kembot na lang at matatapos na itong 50TPSP. Mas lalong matatagalan kasi ang update kung onti lang ang mga followers.

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon