[ 49 ] Umaasa

598 3 0
                                    


Naglalakbay ang iyong diwa sa kawalan
Waring hindi na kaya ng iyong isipan
Dahil sa bigat ng mga dinadaanan
Nanlalabong mga mata pugto at luhaan.

Umaasa ka pa ba na ikaw ay kanyang babalikan
Nagawa ka na niya balewalain at iwanan
Bakit tanggap mo ang iyong kataksilan
Wala ng pag-asa na magbago pa ang kanyang isipan.

Wag nang umasa, wag mo na siyang mahalin
Di ka ba nasaktan ng hindi ka piliin
Wala bang sakit sa iyong dibdib
Siya ay walang kwenta, wag mo na isipin.

Iyak mo ay bumasag sa katahimikan
Sige lang sa kalooban,ilabas mo yan
Upang lumuwag ang iyong pakiramdam
At may pag-asa pa na sya ay iyongkalimutan.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
~~~
A/N: Congratulations to AbigaleGNZLS for getting on top in Poetry! 200+!

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon