Sa pag-ibig madami akong natutunan,
May mga dapat bitawan at dapat ipaglaban,
Mga bago at natatanging karanasan,
Ligaya,sakit,mga nakakagulo ng nararamdaman.Hindi pare pareho at hindi maghambing,
Dahil magkakaiba ang mga nakakasalamuha natin,
Pwede umasa,pwede din maghanap,
Kapag nasasaktan pwede din magpanggap.Sarap sa pakiramdam pag ramdam mo siya,
Pag naibibigay ang buong pagmamahal niya,
Pero hindi laging masaya,minsan nasasawi,
Lalo na kung hindi na ikaw ang kanyang tinatangi.Maraming aral, maraming mga kaganapan,
Kala mo pang habang buhay na,yun pala ika'y iiwanan,
Kaya mahalin muna ang sarili ng buong buo,
Para maging handa na kapag muling tumibok ang puso.Official Hashtag:#50TulaParaSaPag-ibig
BINABASA MO ANG
50 Tula Para Sa Pag-ibig || Completed
Poesía[#83 in Poetry] ~ Mga Tula tungkol sa Pag-ibig~ First of all, ano nga ba ang pag-ibig? Anong epekto nito sa isang tao? Nakakabaliw? Nakakasakit? Basahin ito para malaman ang mga sagot... Cover credits @aerrisn