[ 11 ] Ibigin Ka

1.8K 6 0
                                    


Bawat pangyayari may rason,
Bawat problema may solusyon,
Bawat lungkot may saya,
At kung nandito ako,alam kong nandyan ka.

Karamay sa lahat ng problema,
Karamay sa bawat ligaya,
Ang taong bahagi ng buhay ko,
At ang tanging tao na mahal ko.

Nagpapasalamat dahil nandyan ka,
Nagpapasalamat ako't kasama ka,
Wala ng hihilingin pa,
Ikaw sa mundo ko ay sapat na.

Wala na akong masasabi pa,
Kung hindi mahal na mahal kita,
Wala man akong maipapangako sinta,
Kung di ibigay lahat at ibigin ka.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon