[ 26 ] Ngiting Pilit

466 2 0
                                        


Dedicated to JCMaknae_659!

Nagsasawa na ako,
Sa paulit-ulit na pagtatampo.
Paulit-ulit gusto ng lumayo,
Paulit-ulit gusto ng sumuko.

Napapagod na ako,
Magmahal ng totoo.
Lagi lang nasasaktan ang puso ko,
Lagi lang napaglalaruan ito.

Natatakot na ako,
Ayoko na ng ganito.
Gusto na lang magtago,
Sa isang sulok doon uupo.

Tama ba na tigilan na lang,
Sakit na nadama di na mabilang.
Sana matapos na ang mga pasakit,
Sana matapos na ang mga ngiting pilit.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
~~
A/N: Okay na po! Parang kanina lang nagpublish ako tapos Ngayon, publish ulit! Haha! I'm free kasi eh. Na-inspire kasi ako. Kanino? Sainyo! Hugot na lang....

In all the times I'm smiling, You don't know how I'm suffering, I'm trying to stop myself from seeing, a scene that is worth crying because of you and her/him loving.

Hahaha! Nosebleed noh?

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon