Dedicated to kyuxin143!
Gusto kong hawakan ang iyong kamay,
Gusto kong sabihin na mundo ko'y nagkakulay,
Gusto ko sabihin na masaya ako sa piling mo,
Gusto kong malaman mo na nadarama ko ay totoo.
Gusto kitang makasama panoorin ang mga bituin,
Gustong iyong mukha ay aking haplusin,
Gusto ko pa yakapin ng mahigpit at halikan,
Gusto ko din ibulong sa'yo na "ikaw lang".
Gusto kong makinig sa iyong mga kwento,
Gusto pa kitang makilala ng buong buo,
Gustong sayo'y di mahiwalay,
Gusto kong makasama ka habang buhay.
Pero hanggang gusto na lang pala ako,
Kelangang magising na wala ka na sa piling ko,
Sana'y hindi tayo nagtapos, Sana'y nagtagal pa,
Dahil hanggang sa huli gusto ko pa rin sabihin na mahal kita.
Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
~~~
A/N: Emegesh,guys! Huhuhu! Nasaan na ba kayong mga readers? Please vote,comment or follow para magkaroon Ng dedication! Thanks sa lahat! Labyu.
Note: 20 updates more and makukuha niyo na ang book 2! Let's hurry and make this 50TPSP better!
BINABASA MO ANG
50 Tula Para Sa Pag-ibig || Completed
Puisi[#83 in Poetry] ~ Mga Tula tungkol sa Pag-ibig~ First of all, ano nga ba ang pag-ibig? Anong epekto nito sa isang tao? Nakakabaliw? Nakakasakit? Basahin ito para malaman ang mga sagot... Cover credits @aerrisn
