Dedicated to all readers! Why? Naisip ko na mas maganda at mas magugustuhan niyo ang dedication para sa lahat since 2018 na. Wala..trip ko lang. Kung may problema, message me na lang sa acc ko. Back to the tula;
Ako'y nakakulong pa din sa mga alaala mo
Mga pag-asa, mga pangarap na binitawan mo
Hindi magising sa mga panaginip na dinulot mo
Mga mata'y ayaw idilat, gusto pa din sa piling mo.
Nakakulong pa din ang puso ko sa'yo
Hindi makakalimutan ang mga halik at haplos mo
Nananabik pa din sa iyong mga halik
Bakit ba umaasa na ikaw parin ay babalik?
Hindi magawang iwasan ang mga alaala
Hindi makausad sa pag-ibig na iyong padama
Hindi makaalis sa mundong binuo mo
Naiwan dito,nag-iisa, naghihintay pa din sa'yo.
Minsa'y gusto ko na lang kumawala
Limutin na lahat, takasan ang nadarama
Ngunit paano makakaalis sa pagkakakulong ko sa puso mo
Kung iyo nang isinantabi at tinapon na ang susi nito?
Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
BINABASA MO ANG
50 Tula Para Sa Pag-ibig || Completed
Poetry[#83 in Poetry] ~ Mga Tula tungkol sa Pag-ibig~ First of all, ano nga ba ang pag-ibig? Anong epekto nito sa isang tao? Nakakabaliw? Nakakasakit? Basahin ito para malaman ang mga sagot... Cover credits @aerrisn
