Ngayon alam ko na,na wala na talaga,
Hindi ka para sakin dahil gusto mo ay siya,
Ang mga paghihirap, Ang mga pagdurusa,
Lahat mababalewala kahit lahat na ay ipinusta.
Gusto mabago ang mga bagay,
Gusto makasama habang nabubuhay,
Gusto makapiling ka araw araw,
Gustong ang mga pangarap ay muling matanaw.
Ngunit malabo na lahat ng bahay,
Hindi na mababalik,lahat ay sumablay,
Puro sakit na lang ang nadarama,
Sana naman kahit minsan ako'y lumigaya.
Hindi na alam kung ano ang gagawin,
Puso ay umiiyak, ano pa ang dapat gawin?
Magpapatuloy pa ba magtiis sa mga parusa
O bigla na lang aalis at hindi na muling aasa?
Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
BINABASA MO ANG
50 Tula Para Sa Pag-ibig || Completed
Poetry[#83 in Poetry] ~ Mga Tula tungkol sa Pag-ibig~ First of all, ano nga ba ang pag-ibig? Anong epekto nito sa isang tao? Nakakabaliw? Nakakasakit? Basahin ito para malaman ang mga sagot... Cover credits @aerrisn
