[ 28 ] Pumiglas Ka

375 0 0
                                        


Dedicated to prettykylie17!

Tulala ka nanaman. Malayo ang tingin
Para bang sinakluban ka ng langit at bituin
Masakit? Di mo tanggap? Ganyan talaga
Tinatanong mo ang sarili kung ano ang problema.

Ikaw ba nagkulang, Ikaw ba walang ginawa?
Ikaw na nasaktan, Ikaw pa nagmukhang tanga
Hindi mo mabigay? Ngayon nganga ka
Pag-ibig niyo na binuo bakit ikaw na lang ang nakakaalala?

Gumising na. Tama na pagpapantsya
Hindi karapat dapat ang isang tulad niya
Bumangon ka. Itayo mo ang iyong sarili
Dahil bandang huli alam mo na hindi siya mananatili.

Ginawa mo ang lahat upang siya ay sumaya
Hinihila ka na pababa, siya pa itong maligaya
Hindi mapapalitan ng matatamis na salita ang sakit
Kaya pumiglas ka na at wag siya hayaang sayo pa ay kumapit.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon