[ 46 ] Nahuhulog

563 1 2
                                        


Dedicated to a new follower, AsawaniSuga_Sofia!

Halika dito sa aking tabi
Sulitin natin ang ating gabi
Hawakan mo ang kamay ko
Ipadama mo ang pagmamahal mo.

Bawat salitang iyong binibitawan
Di maiwasang lahat ito'y pakinggan
Iyong pagtitig sa aking mata
Iba din ang kilig na aking nadarama.

Sinabing hindi muna muling iibig
Pero nadarama ng puso hindi na makabig
Bumibilis ang pagtibok, hindi mapigilan
Bakit ba unti-unti na akong tinatablan?

Unti unti ng nahuhulog sayo
Tama na ba itong nadarama ko?
Siguro'y handa na muling umibig
Siguro'y handa na sa bagong pag-ibig.

Official Hashtag: #50TulaParaSaPag-ibig
~~~
A/N: Guysss. Malapit na ang end ng book! Part 46 na.. Don't worry, may book 2 pa naman! Love ya and goodbye!

50 Tula Para Sa Pag-ibig || CompletedMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon